![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20151019.m4a
|
Mid 90s, si Xu Lai ( Xu Zheng) ay isang art major, inlove kay Yang Yi ( Du Juan). Pero si Yang ay lumipat ng pamantasan at mag-aaral na sa Hong Kong. 20 years later, sa kasalukuyang panahon, si Xu Lai ay isang bra designer at kasal kay Cai Bo (Zhao Wei) kaso di pa siya nagdadalang tao.
Nagbakasyon ang pamilya nila sa Hong Kong. At naisip ni Xu Lai na dalawin ang ex-girlfriend nitong si Yang. Pero lagi namang naka buntot ang bayaw niyang si Cai Lala (Bao Bei'er). Paano niya madadalaw ang ex sa ganitong set-up? Yan ang isa sa mga katatawanan ng pelikula. Tapos may naganap pang murder na nakunan sa camera ni Lala, kaya nagkalabo-labo na ang plot ng pelikula.
At sa panahon ng Golden Week ayon sa mga ulat, 5% ng sales na napunta sa mga movies mula sa Hollywood. Pero isang pelikula ang nakakuha ng commanding lead, ito ay walang iba kundi ang Lost in Hong Kong,
Ang pelikula ni Xu Zheng ay naging hit at kumita ng $209 million matapos ang 10 days na screening. Ang Lost in Hong Kong ang ika limang highest grossing film of the year in China. Nilampasan din nito ang franchise predecessor na Lost in Thailand na kumita noong 2012 ng $208 million at nihawakan ang titulo bilang highest-grossing Chinese film ever for over two years.
Alamin ang iba pang tidbits ng pelikulang Lost in Hong Kong mula sa mga movie buddies na sina Mac at Andrea.
Sina Xu Zheng at Du Juan
Sina Zhao Wei at Xu Zheng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |