![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
/PTNT/20151026.m4a
|
Sa PTNT ngayong araw, tatalakayin namin ang pelikulang Perhaps Love, isang musical film na nagkukuwento ng romantikong love story.
Ang pelikulang ito ay tungkol sa paggunita sa pag-ibig. Ang master director na si Nie Wen (Jacky Cheung) ay gustong gawin ang isang musical film, pinili niya ang bagong aktor na si Sun Na (Zhou Xun) at gusto rin niyang samantalahin ang pagkakataong ito para lumigaw sa kanya. Ngunit, si Sun Na at bidang lalaki na si Lin Jiandong (Takeshi Kaneshiro) ay dating mag-nobyo, at naghiwalay sila dahil sa misunderstanding. Sa panahon ng shooting, muling nahulog ang kanilang damdamin.
Sa pelikulang ito, si Sun Na ay kumatawan ng pagkalimot, at si Lin Jiandong naman ay kumatawan ng paggunita. Nagsikap si Sun Na para makalimutan ang lahat ng alaala kasama ni Lin. Ngunit, opposite si Lin, pinili niyang maalaala ang lahat.
Para kay Sun, sino ang true love? Ano ang pagpili niya?
Ang pelikulang ito ay idinirekta ni Peter Chen, kilalang direktor mula sa HK. Mayroong maraming stars sa pelikulang ito na kinabibilangan nina Jacky Cheung, Zhou Xun, Takeshi Kaneshiro at iba pa.
Matagumpay ang pelikulang ito. Sa iba't ibang kilalang film festival, ininominate ang pelikulang ito nang 18 beses, at nakuha nito ang 9 na awards na kinabibilangan ng Best Actress, Best Director, siyempre Best Original Film Song Awards, sa Hong Kong Film Awards 2006.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |