![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20151102.m4a
|
Ang Chronicles of the Ghostly Tribe ay isang Chinese fantasy story na kamakailan ay ipinalabas sa mainland cinemas. Ang pelikula ay adaptation ng fantasy novel na Ghost Blows Out the Light. Ang libro ay unang inilathala noong 2006. Ang nobela ay bestseller.
Ipinalabas sa panahon ng Golden Week ang Chronicles of the Ghostly Tribe. Ang pelikula ay hitik sa Hollywood Special effects at nagpakita sa versatility ni Director Lu Chuan sa genre ng fantasy. Ang kwento ay tungkol sa isang sundalong nakadiskubre habang nagtatrabaho siya sa Kunlun mountain ng Tsina ng mga buto o fossils ng isang strange creature na nakalibing sa kweba. At ang discovery na ito ay nagbago sa takbo ng buhay niya at maging sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Bida sa pelikula sina Mark Chao, Yao Chen, Rhydian Vaughan, Li Chen, Tiffany Tang, Guangjie Li, at Daniel Feng.
Ayon kay Lu Chuan kalahati ng budget ng pelikula ay napunta sa special effects. At para maging at par sa mga sci-fi movies na blockbuster, kinuha ni Chuan si John Sheils ang visual effects supervisor ng Lord of the Rings. Dagdag ng director, ginamit ang 1500 special effects shots sa pelikula. 4000 editos mula sa walong multinational companies sa buong mundo ang gumawa nito. Inabot ang paggawa ni special effects ng anim na buwan. At talagang pinahahalagahan ko ang paghihirap nila para sa pelikula.
Alamin ang iba pang detalye ng pelikula mula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |