Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Cardinal Tagle nanawagang itigil na ang kaguluhan sa kabundukan

(GMT+08:00) 2015-11-11 18:26:05       CRI
Cardinal Tagle nanawagang itigil na ang kaguluhan sa kabundukan

CARDINAL TAGLE, DUMALAW SA MGA LUMAD. Nakipag-usap si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa mga Lumad na mula sa kabundukan ng Surigao del Sur at iba pang bahagi ng Mindanao. Inalam ni Cardinal Tagle ang karanasan ng mga katutubong lumisan sa kanilang mga lupain dahil sa kaguluhan. (Noli I. Yamsuan/ARCAM Photo)

PANAWAGAN NI CARDINAL TAGLE, IBINIGAY SA MGA KATUTUBO. Maliban sa pagharap sa mga mamamahayag, ibinigay ni Cardinal Tagle ang sipi ng kanyang pahayag sa mga katutubong lumikas mula sa kanilang mga barangay sa Mindanao. Naglakbay ang mga katutubo tungo sa Maynila upang iparating sa madla ang kanilang karanasan. (Noli I. Yamsuan/ARCAM Photo)

NANAWAGANsi Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa pamahalaan na payagang maganap ang kapayapaan sa kabundukan sa pag-aalis ng mga kawal at mga kaalyado nito sa mga pook na tinitirhan ng mga Lumad. Nanawagan din siya sa pamahalaan na disarmahan ang mga paramilitary groups kasabay na panawagan sa militar at National Democratic Front na ideklara ang mga pook ng mga Lumad bilang "peace zones."

Hiniling din ni Cardinal Tagle sa madla na tulungan din ang mga Lumad na lumikas sa kanilang mga tahanan, sa mga barangay at bayan na ngayo'y na sa "evacuation areas." Kailangan nila ng pagkain, tubig at medical attention at gamot. Humiling din siya ng pag-unawa at pakikiisa.

Mas makabubuti para sa lahat na maupo at mag-usap at magtulungan at maghanap ng sagot sa lahat ng mga problemang kinakaharap ng mga katutubo.

Dumalaw si Cardinal Tagle kaninang ika-anim at kalahati ng umaga sa pansamantalang tinitirhan ng mga Lumad sa Liwasang Bonifacio.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Cardinal Tagle na siya ring namumuno sa Caritas Internationalist na siya at ang Arkediyosesis ng Maynila ay nalulungkot at nababagabag sa karanasan ng mga Lumad. May mga namatay na hindi lamang sa karamdaman kungdi sa kaguluhan. May mga lumikas na at iniwan ang kanilang tinitirhan.

Marami na rin ang nawalan ng hanapbuhay. Marami na rin ang tumigil sa pag-aaral. Pinaka-apektado ang mga matatanda, ang mga maysakit, kababaihan at mga bata. Pinapasok ang kanilang mga lupain at naghahari ang kaguluhan at nawawala na ang kapayapaan at katarungan sa kanilang mga komunidad.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>