![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20151109.m4a
|
Dark horse ayon sa mga film experts ng Tsina and Goodbye Mr. Loser. Sorpresa ang tagumpay nito sa takilya. Ayon sa mga kritiko isa sa mga dahilan ay ang magandang kwento nito. Ikalawang rason ay ang timing ng release ng pelikula. Ayon sa mga executives ng Wanda Pictures na maganda ang timing ng pelikula bago ang seven day national holiday. Umiwas itong makipagsabayan sa "giants" at natamo nito ang success. Ikatlong dahilan ay ang internet. Susi din dito ang internet at ang pag adjust ng trailers nito batay sa masusuing pag-aaral ng internet users para makuha ang kiliti ng mga movie goers. At syempre factor din ang music video ng theme song ng Mr. Loser na napapanood sa internet. Ito ay nasa unang pwesto sa mga internet clicks para sa MV ng movie osts.
Wag nating kalimutan ang power ng social media --- ang positibong pagtasa ng publiko at pagkalat nito sa SNS ay malaking tulong din para sa tagumpay ng mga pelikula ngayon sa Tsina.
Sina Yan Fei & Peng Damo ang directors ng Goodbye Mr. Loser at ang cast ay binubuo nina Shen Teng, Ma Li, Yin Zheng, Ai Lun, Wang Zhi, Tian Yu, Song Yang, Chang Yuan, Li Ping, Lee Li-chun at Zhang Yiming.
Ang kwento ay tungkol kay Xiao Lou na misteryong nakabalik sa kanyang kabataan at nagkaroon ng pagkakataon para tupdin ang marami sa kanyang mga pangarap at iwan ang loser life niya.
Alamin kung anong nangyari matapos makuha ni Xiao Lou ang dream life niya sa pagtalakay ng mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |