Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, sangkot sa paghahanda at pagbabalak sa "Oplan Exodus"

(GMT+08:00) 2016-01-26 17:42:42       CRI
1 Pangulong Aquino, sangkot sa paghahanda at pagbabalak sa "Oplan Exodus"

KASAMA si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa paghahanda at pagbabalak ng Oplan Exodus na nauwi sa pagkamatay ng 44 na tauhan ng PNP Special Action Force.

Ito ang sinabi ni dating Special Action Force Director Getulio Napenas sa isang panayam sa radyo. Binanggit ni G. Napenas ang pulong na naganap sa Malacanang noong nakalipas na taon na dinaluhan din ni dating PNO chief General Alan Purisima sa Intelligence Group Director Fernando Mendez.

Sinabi ni Napenas na may kinalaman si Pangulong Aquino sa desisyong huwag makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines. Ang napalpak na operasyon ay isinisi sa kawalan ng koordinasyon sa pagitan ng pulisya at militar at paglabag sa chain of command.

Ipinatawag umano siya ni General Purisima na dumalo sa pulong sa Malacanang. Hindi umano siya nagpresinte. Si Purisima umano ang nagmamanda at namamahala sapagkat siya ang pinagkakatiwalaan ng pangulo. Si Napenas umano ang nagbigay ng briefing sa Malacanang at nagtanghal ng mga detalyes ng operasyon. Marami umano siyang ipinakita na kinatampukan ng mga video.

Ito ang sinabi ng retiradong heneral sa panayam sa isang himpilan ng radyo kanina.

Nagsalita umano ang pangulo at nagtanong hinggil sa koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines na nabanggit na niya sa nakalipas na pagdinig. Nasabi umano niyang mawalang-galang nap o subalit compromised ang AFP. Ito umano ang dahilan kaya't rekomendasyon niyang time-on-target ang sabihin sa AFP.

Wala umanong reaksyon si Pangulong Aquino kaya't kinilala niyang "go-signal" ang pananahimik ng pangulo. Pagkatapos umano ng kanyang pagsasalita ay lumabas na sila ng director ng Intelligence Group.

Ayon sa pagpapalitan ng text messages nina Pangulong Aquino at General Purisima, si Pangulong Aquino ang sumang-ayon sa time frame ng opeasyon at nag-utos ng pagpapadala ng dagdag na mga tauhan.

Kabilang si Director Napenas sa mga inanyayahang dumalo sa pagdinig bukas sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>