Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Vice President Binay, inanyayahan si Mayor Duterte na magpasuri sa Makati

(GMT+08:00) 2016-04-23 21:15:48       CRI

Vice President Binay, inanyayahan si Mayor Duterte na magpasuri sa Makati

INANYAYAHAN ni Vice President Jejomar C. Binay si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sumailalim sa psychological at physical exam sa Makati na walang babayaran.

Sa isang pahayag, ginawa ni G. Binay ang mungkahi bilang pagmamabuting-loob kahit sa mga kalaban sa politika.

Ani G. Binay, nararapat magpatingin sa manggagamot si G. Duterte sapagkat tila nahihirapan na siya sa kampanya at naaapektuhan na ang kanyang katawan at pag-iisip.

Kailangan na rin umano ni G. Duterte ng full physical examination sapagkat si G. Duterte na mismo ang angsabing may malubhang sakit at ayaw ng madlang mapahamak ang punong-lungsod ng Davao.

Ani G. Binay, ang sinasabing psychological disorder ni G. Duterte ay maaring naging dahilan upang maging kakaiba ang kanyang tugon sa mga puna mula ng magbiro sa hinalay at pinaslang na misyonerang mula sa Australia kamakailan.

Umaasa umano si G. Binay na hindi lumala ang kalagayan ni G. Duterte.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>