![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20160418.m4a
|
Si Sammo Hung ang lead at siya rin ang direktor ng The Bodyguard. Matagal na siyang di umuupo sa directors chair. Ang huli niyang directorial movie ay ang 1997 na Once Upon a Time in China and America ni Jet Li at Mr. Nice Guy ni Jackie Chan. Samantalang si Andy Lau naman, liban sa pagiging co-star ay credited bilang producer.
Ang cast ng The Bodyguard ay kinabibilangan din nina: Hu Jun (胡軍), Feng Shaofeng (馮紹峰), Eddie Peng (彭于晏), Tsui Hark (徐克), at ilan sa mga Seven Little Fortune classmates ni Sammo Hung na sina Yuen Biao (元彪), Yuen Qiu (元秋), and Yuen Wah (元華).
Establisadong personalidad si Sammo Hung sa Hong Kong cinema. At itinuturing siyang spiritual big brother ng ilang superstars kabilang si Jackie Chan. Pero halos 20 taon na siyang hindi nagdi direk ng pelikula. Kaya worried ang mga fans na baka medyo kapusin siya sa harap at likod ng pelikula.
Syempre dahil na rin sa may edad na si Sammo Hung, mas naging less flashy na ang kanyang mga fight scenes. Pero hindi pa rin nawawala ang pagka comedyante ni Sammo na nagpamahal sa kanya sa mga fans.
Si Sammo at Andy ay huling nagkatrabaho sa Detective Dee. Nang tanungin si Sammo kung kumusta naman ang action scenes ni Andy sanabi niyang walang naging problema si Andy. Ang stunts noon ay ibang iba kumpara ngayon. Noon aniya kailangan ng oras para ipakita ang kakayanan ng aktor pero ngayon ang lahat ay batay na sa atmospera at sa bilis ng takbo ng pelikula.
More on Sammo Hung. He made his debut in 1961 at umabot na sa higit 230 ang movies niya. Ang range ay mula hardcore martial arts films noong 70s, action comedies sa panahon ng 80s, kung fu epics sa 90s at modernong action cinema sa bagong milenyo. Walang kapaguran ang ang 64 year old na superstar na taga Hong Kong.
Trivia lang kay Sammo Hung ang lolo niya Hung Chung Ho ay film director at ang lola niyang si Chin Tsi Ang ay ang Chinese martial arts cinema's first female action star.
Multi tasking siya sa The Bodyguard. Actor. Director at Stunt Choreographer all rolled into one. Pero no worries dahil kasama naman niya sa pelikula ang mga matatalik niyang mga kaibigan na todo suporta sa kanyang directorial come back.
Wala ng patutunayan pa si Sammo Hung dahil ang mga involvements niya sa entertainment world ay may magagandang bunga… ilan sa mga ito ang award-winning action choreography in recent martial arts movies like Ip Man (2008) and Ip Man 2 (2010). Si Sammo Hung din ang action director for 2016 releases gaya ng Aaron Kwok's The Monkey King 2 and Benny Chan's The Deadly Reclaim.
Alamin ang detalye ng pelikula mula sa mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |