Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Game of Thrones, patok sa Tsina

(GMT+08:00) 2016-05-05 18:06:37       CRI

 

 

Ang HBO TV Series na Game of Thrones (GoT) ay sikat na sikat ngayon sa buong mundo. Sa maniwala po kayo o hindi, maging dito sa Tsina ay patok na patok din ang TV series na ito.

Sa kabila ng mga sinasabing sobrang violent at sexy scenes, matamang sinusubaybayan ng maraming fans sa buong mundo ang GoT. Maging sa ibat-ibang social media platform, maraming memes ang makikita hinggil sa mga character ng GoT, tulad ng "Winter is Coming," mula sa Stark Clan, isa sa mga malaking clan na gustong makuha ang kapangyarihan; "you know nothing Jon Snow:" at "a Lanister always pays his debts."

Dito sa Tsina, lumaganap na rin ang entusiasmo para sa GoT, at ang mga fans ay kinabibilangan ng mga nakababatang kalalakihan.

Ayon sa pahayagang Global Times, marami sa mga bumibisitang sa webpage na Ice and Fire Wiki (site para sa mga fans ng TV show at libro kung saan ito nakabase), karamihan sa mga fans ay mga lalaking nasa edad 40 pababa at naninirahan sa mga siyudad na tulad ng Beijing, Shanghai, at Guangdong province.

Isa sa mga nakikitang dahilan ay ang similaridad nito sa kasaysayan ng Tsina. Noong Warring States Period (475-221BC), naglaban-laban ang mga duke at hari upang makontrol ang buong emperyo. Sa huli, nanalo ang si Haring Ying Zheng o mas kilala sa tawag na Qin Shihuang, at itinayo ang Dinastiyang Qin (221-207BC). Siya rin ang sinasabing nagpaumpisa ng pagtatayo ng Great Wall of China.

Kahit hindi humiram ng ideya sa Chinese history ang author ng libro ng GoT na si George R. Martin, ang complex plot hinggil sa pagtataksil, estratehiya, digmaan, at maraming pang iba ay appealing sa mga Chinese fans, dahil ito ay malapit sa classic novel na Three Kingdoms.

Ang kuwento sa nobelang ito ay nangyari pagkaraang ma-unipika ang buong Tsina, subalit puno pa rin ng pulitika, intriga at kahirapan. Isa sa mga karakter na si Zhuge Liang ay isang matalinong tagapayo na espesyalista sa sikolohikal na pagmamanipula. Katulad niya ang isa sa mga karakter ng GoT na si Tyrion Lannister, na ginagampanan ni Peter Dinklage.

Bukod pa riyan, may mga matalino at makapangyarihang karakter din ang GoT, na hindi malayo sa mga karakter ng ibat-ibang imperial historical na TV drama ng Tsina, na ipinalabas, nitong ilang taong nakalipas.

Sa TV drama na "Zhen Huan Zhuan" (2010-2011), ipinakikita ang kuwento ng isang imperial concubine na umakyat sa kapangyarihan sa pamamagitan ng estratehikong pagtataksil sa kanyang mga malapit na kaibigan. Sa huli, sa kabila ng kanyang tagumpay, siya'y naging malungkot at walang kaibigan dahil sa kanyang mga ginawa. Ito'y katulad ng karakter sa GoT na si Cersei Lannister.

Bukod sa mga die hard Chinese fans, marami ring laowai o expat na die hard din sa GoT. Mayroon pa ngang iba na nag-ho-host pa ng event para maibahagi ang kanilang enthusiasm para sa GoT.

Si Ray Hecht, mula sa Shenzhen ay nagsabing, "I enjoy talking about the latest episodes with casual viewers who happen to be almost everyone I know." Aniya pa, napakarami na ngayon ng mga fans ng GoT, at hindi niya ito inaasahan. "A whole lot of Westerners consider it a must-watch TV show," dagdag pa niya.

Mayroong comic book fan group sa Ray sa We Chat, isang popular na social media app sa Tsina. Dito, pinag-uusapan ng mga miyembro ang hinggil sa GoT at iba pang katulad na subject. Pumupunta rin si Ray sa mga viewing party ng GoT na kadalasang ginagawa sa isang local expat bar na Frankie's. Ayon sa mga staff ng Frankie's, popular na popular ang kanilang mga GoT event, at nakakatawag ng maraming pansin ng ibat-ibang tao na magpunta sa kanilang bar at pag-usapan ang hinggil sa GoT.

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Arte mula sa Basura 2016-04-21 15:53:31
v DoT Beijing, kalahok sa COTTM: Filipino Martial Arts, itinanghal 2016-04-21 15:45:11
v Singing Idol ng Xinjiang 2016-02-29 16:18:46
v Negosyante ng Silk Road 2016-02-18 17:46:56
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>