Paghahanda para sa La Niña, idinaos na
NAGPULONG na ang mga dalubahsa ng Food and Agriculture Organization at Department of Agriculture sa napipintong pananalasa ng La Niña sa darating na Oktubre.
Pinakilos na rin ng PAGASA, ang pambansang weather bureau, ang kanilang La Niña Watch noong nakalipas na Mayo at nagbabalang posibleng bumaha sa mabababang bahagi ng mga sakahan at magdulot ng malawakang pinsala sa mga pananim, magtaas ng posibilidad na kumalat ang peste at sakit ng mga halaman. Magkakaroon din ng pagguho ng buhangin dala ng malalaking alon sa karagatan.
Sinabi ni G. Jose Luis Fernandez, ang kinatawan ng FAO sa Pilipinas na nadama na sa Pilipinas ang isa sa pinakamatinding El Niño sa kasaysayan ng bansa at maaaring natuto na sa pinsalang idinulot nito. Kailangang suportahan ang pamahalaan sa pagbabawas ng panganib sa kabuhayan at seguridad sa pagkain.
May higit sa 60 mga dalubhasa mula sa Department of Agriculture ang dumalo sa action planning kamakailan. Nagbigay ng technical support ang FAO sa paggawa ng mga pagsusuri, madaliang pagtugon sa trahedya at pagkakaroon ng programa sa larangan ng rehabilitasyon.
1 2 3 4