|
||||||||
|
||
Trade Secretary Cristobal, nagpasalamat, nagpaalam
NAGPASALAMAT at nagpaalam si Trade and Industry Secretary Adrian S. Cristobal Jr. sa kanyang paglisan sa tanggapan sa pagtatapos ng Aquino Administration bukas.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni G. Cristobal na natamo ng Pilipinas ang pinakamataas na growth rate na umabot sa 6.9% na nauna sa mga kalapit-bansa. Lumago rin ang gross domestic product sa average na 6.2% mula 2010 hanggang 2015 na pinakamataas na nakamtan ng bansa sa nakalipas na 40 taon.
Ang manufacturing sector, dagdag pa ni G. Cristobal ay lumago rin ng may 8.1% sa nakalipas na apat na taon. Lumago rin ang investments sa mga kalakal na nagbigay ng hanapbuhay, mas malaking kita at nakapagpa-unlad sa katayuan ng mga mamamayan.
Sa nakalipas na anim na buwan, nalagdaan ang kasunduan sa European Free Trade Association at nasimulan na rin ang negosasyon sa European Union.
Nasimulan na rin ang Comprehensive Automotive Resurgency Strategy na nilahukan na ng Mitsubishi at Toyota na magdudulot ng mas maraming hanapbuhay.
Ani G. Cristobal, bagama't aanim na buwan ang kanyang itinagal sa kagawaran, ikinalulugod niya ang kooperasyong ipinarating ng mga opisyal at mga kawani. Isang karangalan ang maglingkod sa tanggapang tulad ng Department of Trade and Industry, dagdag pa ni G. Cristobal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |