Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PDP - Lakas ng Bayan, humiling sa Korte Suprema

(GMT+08:00) 2016-07-07 18:24:46       CRI

PDP - Lakas ng Bayan, humiling sa Korte Suprema

DUMULOG ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema upang pawalang-saysay ang desisyon ng Commission on Elections na nagbigay ng dagdag na panahon na magsumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa kahilingan ng partido ni dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, ang Liberal Party.

Sa isang 22-pahinang petisyon para sa certiorari, sa pamamagitan ng kanilang Secretary-General na si Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez, sinabi ng partido na umabuso ang Comelec nang pagbigyan nito ang kahilingan ng Liberal Party mula sa deadline na ika-walo ng Hunyo ay nagawang hanggang sa katapusan ng buwan.

Ayon sa PDP-LABAN, ang Comelec Resolution 10147 ay lumabag sa Republic Act 7166 na pinamagatang Act Providing for Synchronized National and Local Elections and for Electoral Reforms, ang Section 14 na nagsasaad na ang bawat kandidato at tesorero o ingat-yamat ng partido ang nakatakdang magsumite ng SOCE sa loob ng 30 araw matapos ang halalan.

Anang petisyon, ang deadline ay saklaw ng batas at hindi kailanman nararapat magkaroon ng palugit.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>