UMABOT na sa higit sa 258 libong mga tahanan ang dinalaw ng mga pulis sa buong bansa upang sabihan ang mga gumagamit ng iligal na droga na tumigil na at sumuko sa mga autoridad.
Mula noong unang araw ng Hulyo hanggang kaniang ika-anim ng umaga. Nakapatay na ang pulisya ng may 503 mga pinaghihinalaang drug pusher na nanglaban samantalang dinarakip.
Nakadakip na ang pulisya ng may 7,117 mga drug suspects at nakapagsilbi ng warrants of arrest sa may 485 kataong may usapin sa iba't ibang hukuman.
Ayon sa pinakahuling balita ng Philippine National Police, umabot sa 540,016 ang sumuko sa iba't ibang tanggapan ng pulisya sa buong bansa.
1 2 3 4 5