Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sama ng panahon, palabas na ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2016-08-26 15:57:15       CRI

Sama ng panahon, palabas na ng Pilipinas

MAULAP NA KALANGITAN AT MGA PAG-ULAN ANG MARARANASAN SA METRO MANILA. Makikita kung gaano kababa ang ulap sa Quezon City kaninang hapon bago sumapit ang dilim. Bihirang makita ang ganito kababang ulap sa bansa. Bumuhos ang malakas-lakas na ulan kanina na dahilan ng pagkakabuhol ng trapiko at karaniwang pagbaha. (Melo M. Acuna)

PATULOY pa ring umiihip ng hanging mula 160 kilometro bawat oras hanggang sa pagbugsong 195 kilometro bawat oras ang bagyong si "Dindo" na may international name na Lionrock samantalang papapalayo na sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administartion (PAGASA) inaasahang makalalabas na sa nasasakupang bahagi ng karagatan sa South China Sea ang bagyo pagsapit ng Linggo ng umaga.

Nakita si "Dindo" kanina sa layong 985 kilometro sa silangan, hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes at kumikilos ng pitong kilometro bawat oras.

Ang maulap na kalangitan na may banayad na pag-ulan at mga pagkulog-pagkidlat ang madarama sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan, dagdag pa ng PAGASA.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>