|
||||||||
|
||
20161027Meloreport.mp3
|
NAGING makabuluhan ang pag-uusap nina Pangulong (Rodrigo) Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe na tumagal ng apat na oras. Sa isang press briefing sa Tokyo, Japan, sinabi ni Pangulong Duterte malawak ang mga paksang kanilang napag-usapan.
Binanggit ni G. Duterte na ang kanyang pakay sa pagdalaw sa Japan ay upang mapalakas ang pagkakaibigan, pagtutulungan at pakikiisa ng mga Filipino sa mga Hapon.
Ang bansang Hapon ang nangungunang donor sa larangan ng development assistance. Kailangan ng Pilipinas ang frigates upang magpatrolya sa karagatan tulad ng ginagawa ng Philippine Coast Guard.
Nag-alok na kaagad ang Pamahalaan ng Japan ng dalawang sasakyang-dagat na magpapatrolya sa Manila Bay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |