Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Punongbayan ng Maguindanao, siyam na iba pa, patay sa sagupaan

(GMT+08:00) 2016-10-29 14:49:11       CRI

NAKASAGUPA ng Anti-Illegal Drug Group sa Maguindanao at mga tauhan ng Makilala Police Station, Regional Public Safety Battalion sa Region 12 at CIDG North Cotabato ang grupo ni Saudi Ampatuan Mayor Sansudin Otto Dimaukon sa isang checkpoint sa Old Balatukan, Makilala, North Cotabato na ikinasawi ng punongbayan at siyam na iba pa.

Nakatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential agent ang mga autoridad na ang grupo ni Mayor Dimaukon ang magdadala ng illegal drugs sa Maguindanao at Cotabato area sakay ng isang Toyota Land Crusier at isang Toyota Super Grandia. Naglagay ng checkpoint ang mga autoridad sa ilalim ni Police Chief Inspector Jovit Culaway sa dadaanan ng grupo.

Kaninang ika-apat at kalahati ng umaga, paglapit sa checkpoint ang grupo ni Mayor Dimaukon, tumigil ang mga sasakyan at pinaputukan ang mga autoridad na papalapit naman sa mga sasakyan.

Matapos ang dagliang putukan, isinugod si Mayor Dimaukon at mga kasama sa Midway Hospital at Makilala Medical Specialists Hospital subalit deklaradong mga nasawi pagdating sa pagamutan. Nabawi ng mga autoridad ang ilang piraso ng mga baril.

Ang napaslang na punongbayan ay pinangalanan na ni Pangulong Duterte na kasama ng mga politikong sangkot sa illegal drugs.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>