Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga dating opisyal ng pamahalaan nababahala sa desisyon ng Korte Suprema

(GMT+08:00) 2016-11-11 15:38:37       CRI

Mga dating opisyal ng pamahalaan nababahala sa desisyon ng Korte Suprema

NABABAHALA ang mga kasapi sa Former Senior Government Officials, isang samahan ng mga dating opisyal ng pamahalaang naglingkod sa ilalim ng iba't ibang pangulo ng bansa sa naging desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng paglilibing sa yumaong diktador na si Ferdinand Edralin Marcos.

Sa isang pahayag, sinabi ng mga kasapi sa samahan na nananatiling mahalaga sa mga nakaligtas sa Batas Militar, sa pagtatangka ng pamahalaang mabawi ang nakaw na yaman ng mga Marcos at sa pagpapahalaga ng bansa sa Kasaysayan at pagkatao.

Tinalikdan umano ng Korte Suprema ang papel nito mula ng mapatalsik ang batas militar at mapalayas sa Malacanang si G. Ferdinand marcos at kanyang pamilya. Nagpigil umano ng hukuman sa pagsasabing isang political issue ang libing at ang pagpapahintulot sa pamahalaang makipagtransaksyon kapalit ng mga pabor sa larangan ng politika.

Isinaad ng Korte Suprema ang pinakamababang antas sa paggagawad ng parangal sa isang yumaong pangulong puminsala sa bansa at mga mamamayan. Sa pagsasabing hindi masamang tao si G. Marcos at binigyan pa ng katwiran ang pagpapalibing sa labi ng dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani dahil sa kanyang mga posisyong nakamtan.

Kinilala pa ng Korte Suprema ang pagkakahalal kay Bongbong Marcos bilang pagpapatunay na napatawad na ng mga mamamayan ang kanyang ama. Pinalalakas lamang ng Korte Suprema ang pahayag ng mga Marcos na napagtakpan na ang mga kasalanan ng ama sa magandang nagawa ng anak.

Hindi umano maghihilom ang mga sugat na nakamtan noong nakalipas na rehimen. Ipinakita na rin ng ehekutibo ang kanilang poder sa legislatura at mga hukuman. Sa pagkawala ng "separation of powers," kailangang maging mapagbantay ang mga bumubuo sa civil society.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>