Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte at Prime Minister Razak, nag-usap

(GMT+08:00) 2016-11-11 15:41:13       CRI

Pangulong Duterte at Prime Minister Razak, nag-usap

NAGING sentro ng pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Pime Minister Najib Abdul Razak ang mga isyung may kinalaman sa seguridad at ekonomiya sa kanilang pagkikita kahapon.

Ayon sa Malacanang, tinanggap ni Prime Minister Najib si Pangulong Duterte sa Prime Minister's Office kasama ang kanyang delegasyong binubuo nina Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, Trade Secretary Ramon Lopez, Communications Secretary Martin Andanar, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., Special Assistant to the President Lawrence Go, Peace Adviser Jesus Dureza at Senator Alan Peter Cayetano.

Sa isang panayam matapos ang pag-uusap, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Yasay na pinag-usapan ang mga paraan upang higit na mapalakas ang magandang relasyon ng dalawang bansa at kung paano maisusulong ang kalakalan.

Napag-usapan din ang pagbabantay sa hanggangan ng dalawang bansa upang malabanan din ang pamimirata, kriminalidad, kidnapping at hostage-taking incidents.

Nagkasundo sina Pangulong Duterte at Prime Minister Razak na buhayin at palakasing muli ang Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>