Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Thousands of times of asking" at Si Liu Huan

(GMT+08:00) 2016-12-12 16:45:20       CRI

Ang "Thousands of times of asking" ay isang matandang pop music na kinanta ni Liu Huan, isang kilalang artista sa Mainland.

Ang "Thousands of times of asking" ay theme song ng napakakilalang TV series na pinamagatang "Beijingers sa New York." Tungkol ito sa pagmamahal, pamumuhay ng mga immigrante ng Beijing sa Amerika. Ang kanta ay tungkol sa pagkumpirma ng bidang lalaki sa pagmamahal mula sa bidang babae.

Bukod sa "Thousands of times of asking," pinamahalaan ni Liu Huan ang lahat tungkol sa paggawa ng sound track ng TV series na ito na kinabibilangan ng 7 kanta at mahigit 80 sound track. Mula sa pagkakataong ito, ipinakita ni Liu Huan ang kanyang talento sa paggawa ng musika.

Hindi pag-awit ang unang hilig ni Liu Huan. Isinilang siya sa isang pamilya ng mga guro, at noong bata pa siya, nagtanghal siya sa crosstalk shows. Mahilig siya sa Peking Opera. Napakaganda ng kanyang pag-aawit ng "The Taking of Tiger Mountan," isang napakakilalang bahagi ng Peking Opera. Pero, nanatiling libangan lamang niya ito hanggang nag-aral siya sa kolehiyo. Siya ay nag-major sa Frech literature. Sa panahong ito, sinimulan niyang gumawa ng mga kanta. Gumawa siya ng himig, naglaro ng piano, at kumanta.

Bukod sa TV series, kumanta si Liu Huan para sa charity. Halimbawa, noong 1990, kumanta siya, kasama ni Wei Wei ng "The Spirit of Asia." Ito'y naging promotion song ng Ika-11 Asian Games.

Hindi marami ang awit ni Liu Huan, pero pawang bawat isa ay naging klasiko. Sa kasakukuyan, hindi na siya madalas kumanta. Mula noong 1991, nagpokus siya sa pagtuturo ng kasaysayan ng western music sa University of International Business and Economics. Ito ang kanyang naging pangunahing karera.

Noong 2008 Beijing Olympic Games, kumanta siya sa opening ceremony ng "You and Me," kasama si Sarah Brightman, British Singer.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>