Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Higit sa isang milyon lumahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno

(GMT+08:00) 2017-01-09 18:27:12       CRI

Kapayapaan, malamang na makantan sa ilalim ni Pangulong Duterte

 PANGULONG DUTERTE, HANDS-ON SA "PEACE TALKS." Sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na tulad ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, hands-on din si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipag-usap ng iba't ibang lupon sa iba't ibang sektor tulad ng CPP/NDF/NPA, MILF. MNLF at maging sa mga Lumad.  (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na makakamtan ang kapayapaan sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat," sinabi ni Secretary Dureza na "hands-on" si Pangulong Duterte sa nagaganap sapagkat kaharap ng iba't ibang peace panel ang mga kinikilalang kalaban ng pamahalaan tulad ng Communist Party of the Philippines/New People's Army/National Democratic Front, ang mga Moro Islamic Liberation Front, ang Moro National Liberation Front at ang mas malaking grupo, ang mga Katutubo o indigenous people.

Bagaman, niliwanag ni Secretary Dureza na hindi nararapat sukatin ang nagagawa ng iba't ibang lupon ayon sa timeline.

Nakatakdang idaos ang ikatlong pagpupulong ng Pamahalaan ng Pilipinas at Communist Party of the Philippines/National Democratic Front/New People's Army sa darating na ika-18 ng Enero sa Roma, Italya. Unang itinakda ang pagpupulong sa Norway subalit kinailangang ilipat ito sa Roma sa Italia sa kapal ng yelo sa host country.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>