Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Jing Boran

(GMT+08:00) 2017-02-08 16:58:23       CRI

 

Magandang magandang gabi mga pengyou,ito ang segment na MaArte Ako.

Mga kaibigan, sa programa ngayong gabi, kilalanin natin ang isang batang singer, isa sa mga pinakapopular na singer ngayon sa mainland China, ang guwapong si Jing Bo Ran. 

Isinilang si Jing Bo Ran noong 1989, Ji Lin ng lalawigang Liaoning sa dakong hilangang silangan ng Tsina. Si Jing Bo Ran ay isang sutil na batang lalaki. Walang interest sa pagbabasa ng mga aklat, at masayahin. Mas gusto niyang lumabas maglaro, magsayaw, at kumanta kasama ng kaibigan.

Dahil dito, nag-alala ang kanyang mga magulang. Pero, optimistiko si Bo Ran. Maliwanag ang plano at pangaranp niya, at iyon ang maging isang "singer."

Taglay ang naturang pangarap, nilisan ni Bo Ran ang Ji Lin noong 2007, at nagtungo sa Shanghai para lumahok sa My Hero, isang singing contest sa TV na napakapopular sa Tsina. Siya ang nagwagi ng unang puwesto sa pamamagitan ng kantang ito: "Firework."

Si Jing Boran sa plataporma ng My Hero

Ang kantang "Firework" ay napakahalaga para kay Jing Bo Ran. Ito ay ang starting point ng kanyang karera sa pag-arte. Pagkatapos ng My Hero, pumirma siya ng contract sa Huayi Bros. Media Group, at opisyal na naging isang singer. Sa tulong ng kompanya, binuo nina Jing Bo Ran at Fu Xin Bo, isa pang batang lalaking singer, ang band "Bobo." At noong 2008, ipinalabas ng Bobo ang unang nitong album. Noong panahong iyon, 19 na taong gulang lang siya, pero siya ay naging napakapopular na idol sa mainland China. Narito ang "The Big Big World," carrier single ng kaunaunahang album ng Bobo na "Big World."

Ang band Bobo. Sina Jing Boran at Fu Xinbo.

Tumagal ng 3 taon ang Bobo. Pagkatapos, ang dalwang batang lalaki ay kapuwa tumahak sa landas ng pagbuo ng sariling karera. Nalansag ang Bobo noong 2011, at noong taong iyan, ipinalabas ni Jing Bo Ran ang kanyang sariling album, na pinamatagang "Jing Bo Ran." Gusto rin niyang ipagpatuloy ang kanyang karera ng pag-arte, sa pamamagitan ng bago at nagsasariling imahe. Narito ang isang love song na pinamagatang "All Stars in the Galaxy."

Kasabay ng pagkanta, lumabas din siya sa ilang pelikula. Kumpara sa pagkanta, ang pagpasok niya sa acting ay hindi naging madali, pagkatapos ng ilang taong pagsisikap, natamo rin niya ang bunga sa pagkapanalo niya ng Best New Actor Award sa Ika-17 Beijing College Student Film Festival, at ang nominasyon bilaang Best New Actor Award sa Ika-30 Hong Kong Film Awards at iba pa.

Mga post ng pelikula na inilahok ni Jing Boran

Ngayon, nagiging mas klaro ang kanyang style sa publiko —— guwapo, polite, warm hearted na batang lalaki na kumakanta ng gentle na love song. —— very popular, at espesyal para sa mga batang babae.

Pero, hinggil sa imaheng ito, sinabi ni Jing Bo Ran na: "sa totoo lang, sa tingin ko, mayroon akong maraming karakter, mayroon pa akong mas maraming bagay at kaisipan na gusto kong ibahagi sa mga fans. So sa hinaharap, unti-untim kong ipapakita ang mas maraming talent.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>