ISANG hukom sa Muntinlupa ang nag-utos na dakpin na si Senador Leila de Lima sa isa sa tatlong drug trafficking cases na ipinarating ng Department of Justice sa umano'y pagkakasangkot sa pagpapayabong ng illegal drugs sa loob ng New Bilibid Prison.
Inilabas ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 ang kautusang dakpin sina Senador de Lima, dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos at dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ipinagpapasalamat niya ang pangyayaring ito sapagkat malakas ang kanilang usapin laban sa tatlong binanggit.
1 2 3 4 5