Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Senador, humiling ng imbestigasyon sa pagpatay sa isang manggagamot sa barrio

(GMT+08:00) 2017-03-04 18:00:10       CRI


Mga Senador, humiling ng imbestigasyon sa pagpatay sa isang manggagamot sa barrio

HINILING nina Senador Richard Gordon at Risa Hontiveros na magsiyasat ang mga autoridad sa pagbaril at pagpatay sa isang manggagamot na naglilingkod sa mahirap na pook ng Lanao del Norte noong Miyerkoles ng gabi.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Gordon na hinihiling siya sa mga autoridad na dakpin, kasuhan at parusahan ang may kagagawan sa pagpaslang kay Dr. Dreyfuss Perlas. Si Senador Gordon ang chairman ng Philippine Red Cross.

Nanawagan naman si Senador Hontiveros na gawin ng kinauukulan ang magagawa upang malutas ang krimen.

Sakay ng motorsiklo si Dr. Perlas pauwi sa kanyang tahanan ng barilin ng 'di kilalang salarin sa Kapatagan (Lanao del Norte) noong Miyerkoles ng gabi.

Inaalam ng mga pulis ang posibleng motibo tulad ng pagtatangkang pangloloob o personal na galit.

Nakilala umano ni Senador Hontiveros si Dr. Perlas at isang propesyunal na nagnanais na magkaroon ng maayos at tunay na pagbabago. Katatapos pa lamang ni Dr. Perlas sa isang medical mission sa bayan ng Sapad ng barilin.

Isa umanong volunteer doctor si Dr. Perlas para sa Philippine Red Cross nang sumalakay ang mga kasama ni Nur Misuari sa Zamboanga City noong ika-siyam ng Setyembre 2013.

Bahagi si Dr. Perlas ng "Doctors to the Barrios Batch 30" ng Department of Health na naglilingkod sa mga mahihirap na barangay.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>