Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, bahagi ng destabilization

(GMT+08:00) 2017-03-17 18:20:09       CRI

Pagpuna kay Pangulong Duterte, makatwiran

SINABI ng Human Rights Watch na kailangan pang dagdagan ang pagpuna sa Pamahalaang Duterte upang mapigil ang mga pag-abuso nito laban sa illegal drugs at iba pang mga pagpatay na nakakasama sa karumal-dumal na mga krimen.

Inilabas ng samahan ang pahayag matapos maglabas ng kanilang mga pagkabahala ang European Parliament at United Nations na kapwa pumupuna sa anti-drug campaign ng pamahalaan at sa mga hakbang upang ibalik ang parusang kamatayan.

Sa isang press statement, sinabi ng samahan na makatarungan lamang ang kanilang pahayag sa kawalan ng paggalang sa karapatang pangtao at tamang proseso. Mangangailangan pa ng dagdag na pagpuna sapagkat magpapatuloy ang mga pagpaslang, dagdag pa ng Human Rights Watch.

Magkakaroon umano ng masamang epekto ang mga paglabag na ito kasabay ng pahayag ng European Trade Commissioner Cecilia Malstrom na panganib sa duty-free treatment ng mga produktong mula sa Pilipinas na ipinagbibili sa Europa.

Sa Malacanang, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na tila hindi nauunawaan ng iba't ibang grupo ang ginagawa ng pamahalaan upang malutas ang problema sa larangan ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Lumalabas na nananakot ang mga pandaigdigang samahan, dagdag ni Ginoong Abella.

Sa pinag-isang resolusyon na lumabas sa European Parliament website, maraming isyung binanggit ang mga mambabatas hinggil sa ginawang panggigipit kay Senador Leila de Lima. Kailangan umanong magkaroon ng sapat na seguridad samantalang nakapiit at kasabay ng panawagang magkaroon ng patas na paglilitis sapagkat hindi pa napapatunayang nagkasala, pagbabasura sa lahat ng usaping may bahid politika at ang pagwawakas ng iba pang panggigipit sa mambabatas.

Nanawagan din ang parliament na magkaroon ng independent international investigation sa mga labag sa batas na pagpaslang sa pakikidigma ni Pangulong Duterte sa illegal drugs.

Idinagdag ng Malacanang na nararapat lamang kilalanin ng European Parliament ang dahilan ng pagsusuplong laban kay Senador Leila de Lima. Kinasuhan siya dahil sa krimeng kanyang nagawa at walang kinalaman ang politika, dagdag naman ni Secretary Abella.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>