Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Masigasig na pagtatayo ng mga pagawaing-bayan, sinimulan na

(GMT+08:00) 2017-04-18 18:18:51       CRI

Masigasig na pagtatayo ng mga pagawaing-bayan, sinimulan na

PAGGASTA SA PAGAWAING-BAYAN KAILANGAN. Ito ang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa paglulunsad ng Dutertenomics kanina. Mas marami ang makikinabang sa programang ito, dagdag pa ng kalihim. (Melo M. Acuna)

MAGKAKAROON ng maraming itatayong pagawaing-bayan sa bansa. Ito ang lumabas na programa sa paglulunsad ng programa sa ekonomiya ng pamahalaang Duterte.

Sa idinaos na paglulunsad sa Conrad Hotel Manila, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na matapos ang mga nakalipas na pamahalaan, kinailangang magkaroon ng mas maayos na mga estratehiya upang tuluyang umunlad ang bansa.

Napapaloob ito sa pagkakaroon ng progressive tax reform package upang mapag-ibayo ang kakayahang makipagkumpetensya sa mga kalapit bansa at pagbubuhos ng salapi sa mga pagawaing-bayan.

Kasama rin sa programa ng pamahalaan ang pagbibigay-pansin at halaga sa mga manggagawang Filipino na nasa iba't ibang bahagi ng daigdig, na isa sa pinagkukunan ng salapi para sa kaban ng bayan.

Sa panig ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, kailangang pag-usapan ang Dutertenomics upang higit na mabatid ng mga mamamayan ang kahalagahan ng mga programang maghahatid ng kaunlaran. Ito ang higit na magpapalakas at magpapabilis sa 10-point economic agenda ni Pangulong Duterte. Nasa magandang katayuan ang Pilipinas ngayon sapagkat maayos na nakaligtas sa mga pangrehiyon at pangdaigdang krisis sa mga nakalipas na dekada.

Samantalang abala ang mga kalapit-bansa sa pagpapatayo ng mga pagawaing-bayan, naiwanan ang Pilipinas dahil sa maraming kinaharap na problema. Subalit sa pagganda ng credit ratings kasunod nito ang pagbabagong-anyo ng kaunlaran sa daigdig ng ekonomiya sapagkat kailangang higit na sumigla ang investments upang magkaroon ng mas maraming hanapbuhay at mapasiglang muli ang manufacturing sector.

Isang malaking pagkakataon ang naghihintay sa Pilipinas sa pagkakaroon ng mga kabataang papasok sa labor force at obligasyon ng pamahalaang bigyan sila ng maayos at makataong hanapbuhay. Ang pagdami ng mga kabataan ay isang biyaya at isang hamon.

Sa pagkakaroon ng mga pagawaing-bayan sa mga lalawigan, mababawasan ang gastos sa pamasahe ng mga mamamayan at mga kargamento.

Idinagdag pa ni Secretary Dominguez na sa pagsasaayos ng tax rates, madaragadagan ang salaping magagamit ng mga mamamayan upang higit na sumigla ang ekonomiya.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>