Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lascañas, tumakas upang huwag mapatay

(GMT+08:00) 2017-04-20 18:17:08       CRI

Mga dalubhasa, kailangan sa isang lupon

KAILANGAN ng inter-agency Mining Industry Coordinating Council ng P 50 milyon upang makakuha ng mga tinaguriang independent experts upang suriin ang operasyon, 'di lamang ng 28 minahan na ipinasara o sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources kungdi ang lahat ng 311 kontrata ng minahan sa bansa.

Ito ang sinabi ni Asst. Secretary Paola Alvarez, tagapagsalita ng Department of Finance bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sumang-ayon na si Secretary Regina Lopez sa paghiling ng salapi sa Department of Budget and Management na tatagal ng may tatlong buwan sa kanilang pagpoproseso.

Pagbabalik-aralan nila ang technical, legal, social, environmental at economic aspects ng lahat ng kontrata sa pagmimina sa bansa. Magugunitang hiniling ni Secretary Lopez na huwag nang lumahok si Undersecretary Bayani Agabin sa lupon sapagkat may koneksyon siya sa mga kumpanya ng mga minahan. Ani Atty. Alvarez, may kalayaan siyang humiling at may karapatan din ang ibang sector na kontrahin ang paghirang sa DENR secretary sa Commission on Appointments dahil sa sinasabing conflict-of-interest.

Niliwanag ni G. Agabin na propesyunal ang kanyang koneksyon sa Philippine Associated Smelting and Refining Corporation o PASAR may 15 taon na ang nakalilpas at sa Rapu-Rapu Minerals, Inc., may sampung taon na ang nakalilipas.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>