Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, bukas siya sa pagsasanay kasama ang Chinese Navy sa Sulu Sea

(GMT+08:00) 2017-05-02 08:28:51       CRI

Pangulong Duterte, bukas siya sa pagsasanay kasama ang Chinese Navy sa Sulu Sea

SINABI ni Pangulong Rdorigo Duterte na bukas siya sa posibilidad na makipagsanay ang Philippine Navy sa Chinese Navy hindi lamang sa South China Sea kungdi maging sa Sulu Sea.

Ito ang kanyang binanggit matapos ang kanyang pagdalaw sa flagship destroyer na Chang Chun na dumadalaw sa Davao City mula kahapon hanggang bukas. Maari umanong makipagsanay ang mga magdaragat na Filipino sa mga Tsino hindi lamang sa South China Sea kungdi maging sa Sulu Sea.

Unang narinig kay Pangulong Duterte ang posibilidad na ito noong Oktubre ng 2016 na bukas siya sa pakikipagsanay sa mga magdaragat na Ruso at Tsino. Narinig din noon ang kanyang pahayag na nais niyang wakasan na ang war games sa mga Americano.

Natuwa si Pangulong Duterte sa kanyang pagdalaw sa barkong Chang Chun na maihahambing umano sa isang hotel sa linis at pagkakaroon ng carpet.

Ang pagdalaw ng mga magdaragat ng People's Liberation Army ay bahagi ng confidence-building at pakikipagmabutihang-loob sa mga panauhin. Ang kanyang pagdalaw sa barkong Tsino ay pagpapakita lamang ng pakikipagkaibigan sa mga panauhin. Siya umano ang humiling na dumalaw ang mga Tsino ay ipakita ang kanilang mga sasakyang-dagat.

Tumanggi siyang nag-aalok ng mga kagamitan para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang mga dumadalaw na magdaragat mula sa Tsina.

Dumating ang People's Liberation Army (PLA) Naval Task Group 150 sa Sasa Port kahapon at mananatili doon hanggang bukas.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>