Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bilateral negotiations, makabubuti sa relasyon ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2017-05-05 18:51:58       CRI

MAS mabisa ang pag-uusap sa pagitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa mga isyung bumabalot sa South China Sea.

Ito ang sinabi nina Dr. Chen Hanxi at Professor Zhou Fangyin na nagmula sa Guandong Institute for International Strategies sa isang roundtable discussion sa Teehankee Center sa Ateneo Rockwell Campus.

Sinabi ni Dr. Chen, Deputy Secretary-General at Director ng Center for European Studies na kailanman ay 'di ginamit ng Tsina ang laki nito sa pakikipag-usap sa maliliit na bansa. Hindi komplikado ang pakikipag-ugnayan ng mga Tsino kung hangganan ang pinag-uusapan. Nakita ito sa pakikipag-usap ng Tsina sa Vietnam noong tinalakay ang hangganan sa Gulf of Tongkin.

  

BILATERAL NEGOTIATIONS, MAS MABISA. Ipinaliwanag ni Dr. Chaen Hanoi (kaliwa) at Prof. Zhou Fanyin sa sang roundtable discussion sa Ateneo de Manila Rockwell Campus na ang bag-uusap ng Tsina at Pilipinas ang higit na makatutulong pang tuluyang humupa ang tensyon sa South China Sea. Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ang isang dating Philippine ambassador, isang retiradong general na raging undersecretary ng Tanggulang Pampanga, Foreign Service Institute, National Defense College of the Philippines at iba pa. (Melo M. Acuna)

Sinabi naman ni Professor Zhou, Director ng Center for China's Regional Strategies at Editor ng Journal of Strategy and Decision-Making ng Guandong Institute for International Strategies na mas maganda ang direktang pag-uusap sapagkat nakikita ang "magnanimity" ng Tsina sa relasyon nito sa mga kalapit-bansa.

Maaari lamang magbago ang tingin ng Tsina sa isyu ng karagatan kung magiging kabaha-bahala ang ikikilos ng kalapit-bansa sapagkat hindi pahihintulutan ng Tsina na manganib ang kanilang nasasakupan at mga mamamayan.

Kasama sa roundtable discussion ang isang retiradong undersecretary ng Department of National Defense, isang dating Philippine Ambassador, isang tanyag na political scientist, isang opisyal ng National Defense College of the Philippines, Foreign Service Institute at ang tagapagbalitang ito.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>