Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

The Game Changer.

(GMT+08:00) 2017-05-11 17:01:35       CRI

Ang background ng kuwento ng pelikulang The Game Changer, ay Shanghai noong 1930s. Noong panahong iyon, ang Shanghai ay mayroong title ng paradise of adventurers. Sa loob ng Shanghai, mayroong iba't ibang puwersa: the government, the concessions ng iba't ibang bansa, local gangs, at iba't ibang non-government political organization.

Si Li Zihao ay miyembro ng isang organisasyong pulitikal na may pamagat na "Blue Shirts Society" o BSS. At si Ruoyun, ang girlfreind ni Li Zihao, ay sumali rin sa BSS. Madalas na iniorganisa ng BSS ang mga demonstrasyon bilang pagprotesta sa goverment o sa concessions.

Si Li Zihao na papel ni Peter Ho

Sa isang demonstrasyon, nakaranas ang miyembro ng BSS ng violent dispersal mula sa kapuwang concession ng Hapon at pinkamalaking lokal na gang, ang "Tang's Gang". Sa proseso ng sagupaan ng BSS at Tang's gang, sina Li Zihao at Ruoyun ay nagkahiwalay. Dinakip at nakulong si Li Zihao, at nawala si Ruo yun.

Sa kulungan, nakita ni Li Zihao ang isang batang lalaki na kaedad niya, na si Fang Jie. Plinano nila ang pagtakas. Pagkatapos ng maingat at mabusising pagplaplano, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng isa't isa, matagumpay na nakapuga sina Li Zihao at Fang Jie mula sa piitan.

Pagkatapos ng malaman na si Li Zihao ay isang orphan, inanyayahan ni Fang Jie si Li Zihao na sumama sa bahay ni Fang Jie, pero hindi sinangayunan ito ni Li Zihao kasi gusto niyang hanapin si Ruoyun, his girlfreind, as soon as possible.

Si Fang Jie na papel ni Huang Zitao

Pero on his way to Ruoyun's home, nakita ni Li Zihao ang ilang masasamang loob na mayroong baril at ninanakawan ang isang batang babae at gusto rin siyang kidnapin.

Iniligtas ni Li Zihao ang batang babae, na si Tang Qianqian. Si Tang Qianqian ay pilit nang pilit kay Li Zihao na tumuloy sa bahay niya at makita ang kanyang tatay para lubos na mapasalamatan siya.

Hindi makatanggi si Li Zihao kaya sumama at pumunta sila sa bahay ni Tang Qianqian. Doon, laking gulat na nakita ni Li Zihao si Fang Jie, turns out si Fang Jie ay fiance ni Tang Qianqian. Pero what's more suprising, natuklasan niya na ang tatay ni Tang Qianqian, na si Mr Tang, ay ang leader ng Tang's Gang, at ang salarin na dahilan ng kanyang pagkakalulong at pumtay sa kanyang mga kaibigan sa BSS.

Si Tang Qianqian na papel ni Gulnazar

Pinasalamatan ni Mr Tang si Li Zihao dahil iniligtas nito ang kanyang anak. Natuklasan ni Mr Tang na si Li Zihao ay clever at cool, at mayroong kaalaman sa Kungfu, kaya inanyayahan ni Mr Tang ni Li Zihao na sumali sa Tang's gang, at iniarrange ang isang mataas at mahalagang posisyon para kay Li Zihao. Sa loob ni Li Zihao gusto niyang manatili sa Tang's family, para maghanap ng pagkakataon at isagawa ang kanyang paghihiganti.

Kaso unti-unting nahulog ang loob ni Tang Qianqian kay Li Zihao. Sinabi niya kay Li Zihao na si Fang Jie ay fiance na iniarranged ni Mr Tang. Nalaman ni Fang Jie ito at nagalit dahil talagang namang mahal niya si Tang Qianqian. Pero, sa kabila nito ipinalalagay ni Fang Jie na siya at Li Zihao ay matalik na magkaibigan, at pinahalagahan ang brotherhood na meron sila.

Habang nasa poder ni Tang, isinagawa ni Li Zihao ang mas malalim na imbestigasyon, natuklasan niya ang isa pang surprising na bagay: si Ruoyun, ang kanyang nobya ay hindi namatay. Nailigtas siya ng mga miyembro ng BSS, pero, ipinadala rin ng BSS si Ruoyun sa pamilya Tang bilang isang espiya, at ngayon, siya ay naging mistress ni Mr Tang.

Sobrang nagulantang si Li Zihao, at hindi niya kayang ipagwalang bahala ang amakto ng normal. Natuklasan ni Mr Tang ang kakaibang kilos ni Li Zihao at nagsimula na siyang magduda rito.

Soon, nalaman ni Mr Tang ang katotohanan. Ipinadala niya si Fang Jie para patayin si Li Zihao. Kahit na ang fiance niya ay na in love kay Li Zihao, hindi naman niya pwedeng limutin ang utang na loob kay Fang Jie at ang brotherhood nila. Kaya pinatakas niya si Li Zihao.

Si Fang Jie ay lumabag ng order ni Mr Tang at ito ay nagdulot ng galit ng gang's leader. Dahil sa galit, binaril at napatay ni Mr Tang si Fang Jie.

Gustong sumama ni Tang Qianqian na takas na si Li Zihao, at hinanap ito. Pero natuklasan sila ng killer na ipinadala ni Mr Tang. Habang tinutugis, nabaril si Tang Qianqian nang balang para kay Li Zihao, at namatay siya sa halip ng lalaking mahal niya.

Habang sapo ang katawan ng patay na anak, for the first time,umiyak si Mr Tang. Sa kanyang bawat laban, lagi siyang panalo. Pero ngayon, napakapait ng pagkatalo nang mawala sa kanya ang pinakamamahal niyang anak.

Si Mr Tang felt sad and confused, he asked himself what is he fighting for. Pero, bago niya malaman ang sagot, pinasabog ni Li Zihao ang bomba at ang buong kuwento ay nabalot ng malako at maitim na usok.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>