Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang propesor at isang kolumnista, umaasang magbubunga ng mabuti ang Belt and Road Initiative

(GMT+08:00) 2017-05-15 21:19:28       CRI

Dalawang propesor at isang kolumnista, umaasang magbubunga ng mabuti ang Belt and Road Initiative

NANINIWALA si Professor Bobby Tuazon, Director for Policy Studies ng Center for People Empowerment in Governance ng Univerity of the Philippines na may panibagong simula ang ekonomiya sa daigdig na ang sandigan ay pakikipagkaibigan at pagtutulungan.

Sa isang panayam, sinabi ni G. Tuazon na mahalaga ang pagkakaroon ng interconnectivty sa pagitan ng mga mamamayan sa daigdig, mula Asia hanggang Africa at ilang bahagi ng Europa.

Tunay ng isang proyekto ng daang-taon sapagkat hindi lamang nakatuon sa mga pagawaing-bayan, kalakal, industriya at paglilipat ng teknolohiya bagkos ay sa pagbabahaginan ng kaalaman sa agham sa mga bansang kabilang sa samahan.

Madali itong matatanggap ng mga taong may bukas na pag-iisip sapagkat binanggit na ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang Belt and Road Initiative ay nakasalalay sa pagiging patas, hindi pakiki-alam sa mga nagaganap sa mga kaibigang bansa, paggalang sa kultura ng bawat isa.

Tapos na ang military alliances at paghahasik ng kaguluhan sapagkat ang nais ng karamihan ng mga mamamayan ay kapayapaan at kaunlarang kailangang magkatotoo.

Sa panig ni G. Rod Kapunan, isang kolumnista sa pahayagang Manila Times, ibinabalik lamang ni Pangulong Xi ang dating pagkakaibigan ng mga bansa tulad ng pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino noong panahon ng Sultan ng Sulu na dumalaw sa Tsina noong ika-14 na siglo.

Ipinaliwanag pa ni G. Kapunan na hindi maiiwasan ang pag-unlad ng Tsina sapagkat mayroong magandang pananaw ang mga pinuno nito na naniniwalang higit na pakikinabangan ang kapayapaan sa rehiyon at sa daigdig.

Napuna naman ni Prof. Clarita Carlos na ang tema ng mga nagsalita ay kapayapaan, pagiging bukas, pagbabago, kaunlaran at pagsasama-sama ng mga mga ekonomiya sa Asia, sa Africa at sa ilang bahagi ng Europa.

Sinabi ni Pangulong Xi na kaunlaran ng pangkalahatan ang nais niya. Maganda umanong simula ang naganap kahapon, dagdag pa ni Prof. Carlos.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>