Ang kahirapan ay pandaigdigang problema. Ayon sa estaditika ng World Bank, umaabot sa 700 milyon ang bilang ng mga mahihirap na populasyon sa buong daigdig.
Ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa, at nitong ilang taong nakalipas, bagama't bumaba na sa 40 milyon ang bilang ng mga mahihirap na populasyon mula sa dating mahigit 82 milyon, ang target ay ang pagpuksa sa kahirapan sa taong 2020.
Sa nayong Maerzhuang sa Ningxia Hui Autonomous Region, ang pamumuhay ay nananatili pa ring nakabatay sa pag-alaga ng mga tupa. Pero, nitong ilang taong nakalipas, dahil sa pagbabago ng panahon, presyo at epidemiya, walang garantiya ang kita. At noong 2016, sumapi ang mga taga-nayon sa kooperatibong organisasyong itinatag ng pamahalaang lokal. Sa taong ito, ang karne ng tupa ng Maerzhuang ay lumitaw sa banquet ng G20 Summit at umabot, naman sa 8,500 yuan RMB o mahigit 1,200 USD ang karaniwang kita ng mga taga-nayon: kabilang dito, 30% ay galing sa pag-alaga ng tupa.
Sa kabilang dako, may 40 milyon pa ring mahihirap na naninirahan sa 128 bayan at nayon ng Tsina. Kung talagang nais ng pamahalaan ng puksain ang kahirapan sa loob ng darating na 4 na taon, ang pinakamalaking problema ay ang nakakikilabot na kondisyong pangkalikasan.
Sa Baohao Village sa Guangxi Zhuang Aotonomous Region, 300 sa 500 pamilya ang namumuhay sa kahirapan dahil sila ay nasa bulubunduking purok. Nitong ilang taong nakalipas, nagsisikap ang pamahalaang lokal para malutas ang isyu sa pamamagitan ng paglilikas, labour export, pangangalaga sa ekolohiya at iba pang paraan. At dahil sa trabaho sa labas, lumisan ng nayon ang nakararaming kabataan at nagsisimula ng bagong bahay sa paligid ng bagong highway.
Para sa mga taong hindi nais lumikas, inilaan ng pamahalaan ang maraming pinansiya, pinataas ang lebel ng edukasyon, nagbigay din ito ng gamot at sinuportahan ang pamumuhay ng mga matatanda.