Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xin Tian You: Folk Songs sa Shaanbei ng Tsina.

(GMT+08:00) 2017-06-02 16:28:11       CRI

Mga kaibigan, ngayong gabi, ibabahagi namin sa inyo ang isang folk music sa Tsina.

Malaki ang saklaw ng Tsina, kaya, sa iba't ibang lugar, mayroong mga folk music na mayroong iba't ibang estilo. Noong nakaraang programa, ibinahagi namin s inyo ang ang Peking Drum Song, na isang uri ng lokal na music form sa Beijing at buong lalawigang Hebei. At ngayong gabi, ibabahagi naman namin sa inyo ang folk music na popular na popular sa mga Shaanbei, ibig sabihin, mga rehiyong dakong hilagang kanluran ng Tsina.

Mga kaibigan, ang unang musika na napapakinggan ninyo ay may pamagat na "Sewing a Bag." Ito ay isang tipikal na folk song sa Shaanbei ng Tsina.

Ganito ang folk music sa Shaanbei, at ang uri ng ganitong musika ay tinatawag sa wikang Tsino na, "Xin Tian You." Ang direktang kahulugan ng "Xin Tian You" ay "malayang paglalakbay sa kalangitan." Sa katotohanan, ang pangalang ito ay lubos na nagpapakita ng pinakamahalagang katangian ng musikang ito: kalayaan at pagkakaroon ng bukas na pag-iisip.

Chinese paniting hinggil sa Xin Tian You

Sa folk musikang "Xin Tian You," ang ibat-ibang bagay sa buhay, tulad ng isang bulaklak; damdamin sa pagitan ng mga tao, at pagmamahal sa pagitan ng mga lalaki at babae ay mahalagang elemento.

Ang mga mamamayan sa Shaanbei, inaawit ang Xin Tian You

At ang kauna-unahang komprehensibong Xin Tian You music na ibabahagi namin sa inyo ngayong araw, ay may pamagat na "Bughaw na Bulaklak." Ang musikang ito ay naglalarawan sa isang kuwento: ang pagmamahalan ng isang babae at lalaki, na tinututulan ng tatay ng babae, kung saan sapilitang ipinakakasal ang babae sa ibang lalaki. Ayon sa kanta, nang papunta na sa bahay ng babaw ang lalaking nakatakdang ipakasal sa kanya, nakahanap ng pagkakataong tumakas ang babae papunta sa kanyang orihinal na nobyo.

Bukod sa pagmamahalan, ang "pangkaraniwang buhay at trabaho" ay isa pang napakahalagang nilalaman ng Xin Tian You. Narito ang musikang pinamagatang "Pag-ani." Ang musikang ito ay naglalarawan ng mahirap pero masayang proseso ng pag-ani ng mga pananim sa tagsibol.

Gamitin ang Xin Tian You sa iba't ibang festival

Ang kapuwa pagmamahalan ng babae at lalaki at ang masayang mood sa panahon ng pag-ani ay descriptiondeskripsyon ng ordinal na pamumuhay ng mga mamamayan. Pero, bukod dito, mayroon pang ibang paksa ang Xin Tian You, tulad ng "tula tungkol sa ibat-ibang bagay." Narito ang isang Xin Tian You na nagpapakita ng pagpuri sa alak at ang pamagat nito ay "Awit ng Alak."

Ang last song na ibabahagi namin sa inyo today, ay "Glowing Red Morningstar Lilies." Ang musikang ito ay lubos na nagpapakita ng halos lahat ng katangian ng Xin Tian You: mataas na tono, malaya at masayang estilo.

Ang musikang ito ay naglalarawan ng tagpo sa pagdating ni Chairman Mao Zedong at kanyang troops sa rehiyong hilagang kanluran.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>