Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, ginunita at ipinagdiwang

(GMT+08:00) 2017-06-09 18:05:57       CRI

Resorts World, pansamantalang isinara

MATAPOS ang pitong araw mula ng masunog ang bahagi ng Resorts World Manila na ikinasawi ng 38 katao at ikinasugat ng 54 katao, sinuspinde ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pahintulot na ibinigay sa Travellers International Hotel Group at iba pang gaming facilities sa ilalim ng pangalan ng Resorts World Manila.

Sa isang pahayag na inilabas kanina, niliwanag ng PAGCOR na sa pagkakasuspinde ng pahintulot, kailangang tumigil at huwag magkalakal ang Resorts World Manila samantalang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kanilang posibleng pananagutan sa mga biktima at sa pamahalaan.

Mananatiling sarado ang Resorts World hanggang sa hindi nila naitutuwid ang kanilang pagkukulang sa larangan ng seguridad na hindi lamang ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima at puminsla sa mga ari-arian, inilagay pa sa masamang katayuan ang Philippine gaming, tourism at hospitality industries.

Ang hindi pagsunod sa kautusan ay mangangahulungan ng iba pang ipapataw na kautusan at kaparusan ayon sa itinatadhana ng batas.

Inatasan din ng PAGCOR ang lahat ng integrated resorts na magsumite ng kanilang security at safety protocols upang matiyak na hindi mauulit ang trahedya.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>