Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malakas ng lindol yumanig sa Leyte

(GMT+08:00) 2017-07-07 18:04:37       CRI

Malakas ng lindol yumanig sa Leyte

ISANG 6.5 magnitude na lindol ang yumanig sa Kananga, Leyte kahapon tatlong minuto makalipas ang ika-apat ng hapon. Dalawa ang nabalitang nasawi, may 74 ang sugatan at anim katao ang nailigtas sa gumuhong gusali sa Kananga.

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Dr. Renato U. Solidum, Jr. malakas ang lindol na naganap kahapon subalit maraming lindol na rin ang naranasan sa mga nakalipas na panahon.

Nagkaroon ng 6.7 magnitude earthquake noong Pebrero sa Surigao del Norte, 7.2 Magnitude na lindol na yumanig sa Saranggani Province, ang lindol noong Oktubre 2013 na mayroong 7.2 magnitude na yumanig sa Bohol at ikinagiba ng mga sinaunang mga simbahan. Nagkaroon din ng 6.7 Magnitude quake na naramdaman sa Negros Oriental noong Pebrero ng 2012.

Hanggang kaninang ala-una ng hapon nagkaroon a ng 297 afterschoks, 47 ang nabatid ang pinagmulan samantalang 10 ang naramdaman ng mga mamamayang nababahala na.

Ibinalita ng National Disaster Risk Reduction Management Council na isang tatlong palapag na gusali ang nagiba sa Kananga samantalang dalawang silid-aralan sa Jaro, Leyte ang napinsala at nagkabiyak sa mga dingding. Nagkaroon din ng pagguho ng lupa sa Mt. Amandiwing sa Jaro. Suspendido ang lahat ng klase sa Leyte Province.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang linya ng kuryente sa pagitan ng Ormoc City at Maasin sa Southern Leyte ang napinsala kaya't nawalan ng kuryente ang buong lalawigan ng Bohol. Nagkaroon din ng pagkabalam ng pagbabalik ng kuryente sa mga pulo ng Panay at Negros dahilan sa apekto ng lindol sa mga geothermal power plants.

Apektado rin ang isang planta ng GreenCore sa Palimpinon, Negros Oriental. May pinsala rin sa Unified Leyte Geothermal Power Plant at sa power generators ng Green Core at Energy Development Corporation.

Ang sentro ng lindol ay sa Kananga na kinalalagyan ng geothermal power plants ng Energy Development Corporation.

Inaalam pa ng National Grid Corporation of the Philippines, isang pribadong korporasyon kung ano ang naging pinsala sa kanilang mga pasilidad. Iniulat ng pangalawang pangulo ng Energy Development Corporation na si Lito Santos na kumpleto ang kanilang mga kawani bagama't may ilang nagkasugat. Hanggang kagabi ng ika-siyam, tanging ang Samar, Bohol. Southern Leyte at ilang bayan sa hilagang Leyte ang walang kuryente.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>