Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, umaasang matatapos ang labanan sa Marawi City sa loob ng 10 hanggang 15 araw

(GMT+08:00) 2017-07-11 17:59:15       CRI

Pangulong Duterte, umaasang matatapos ang labanan sa Marawi City sa loob ng 10 hanggang 15 araw

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na naniniwala siyang matatapos ang labanan sa Marawi City sa loob ng sampu hanggang 15 araw. Ito ang kanyang binanggit sa kanyang talumpati sa Philippine Stock Exchange sa ika-10 anibersaryo ng Phoenix Petroleum kanina.

Kailangan pa umano niya ng hanggang 15 araw. Idinagdag pa niyang magtatangka siyang maglakbay patungong Marawi City sa mga susunod na araw. Nais umano niyang dalawin ang mga kawal samantalang mayroon pang labanang nagaganap. Nakadalawang pagtatangka si Pangulong Duterte na dumalaw sa Marawi City subalit hindi nakarating dahil umano sa sama ng panahon.

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na hindi niya akalaing nakaipon ng ganoon karaming sandata ang mga Maute. Ito rin ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. Na sa ika-46 na araw nan g sagupaan subalit hindi pa rin nauubos ang mga sandata at granada ng mga Maute.

Sa kanyang talumpati, walang binanggit si Pangulong Duterte kung hihingi siya ng extension para sa kanyang Martial Law sa Mindanao.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>