Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Makabuluhang pulong hinggil sa Code of Conduct, inaasahang magaganap

(GMT+08:00) 2017-08-07 18:30:25       CRI

Makabuluhang pulong hinggil sa Code of Conduct, inaasahang magaganap

KONSULTASYON SA DRAFT COC FRAMEWORK.  Sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na magkakaroon konsultasyon hinggil sa draft framework ng Code of Conduct hinggil sa South China Sea sa kanyang pagdalo sa ASEAN @ 50 AMM meeting kahapon.  Makikita sa larawan si Minister Wang (pangalawa mula sa kaliwa) sa kanyang paginating sa NAIA noong Sabado ng gabi.  Sinalubong siya ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua (kanan).  (Angie de Silva)

 

SINABI ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na nagtutulungan ang kanyang bansa at ang ASEAN mula pa noong nakalipas na taon at kinikilala na ang pagtutulungang ito ang nagpahusay ng kalagayan ng South China Sea.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag matapos makausap ang ASEAN Foreign Ministers kahapon sa Philippine International Convention Center na gumagaan na ang kalagayan ng South China Sea.

Nagkasundo na ang mga foreign minister ng ASEAN at Tsina na ipasa ang draft Code of Conduct framework na siyang magiging sandigan sa mas makabuluhang mga konsultasyon hinggil sa Code of Conduct of Parties in the South China Sea.

Nag-alok ang Tsina ng tatlong mahahalagang hakbang. Una ang pagsang-ayon ng mga foreign minister ng ASEAN sa draft framework ang magiging dahilan ng mga konsultasyon sa loob ng taong 2017.

Pangalawang hakbang ang pagtatakda sa huling araw ng Agosto sa joint working group meeting sa pagpapatupad ng Code of Conduct, pag-uusapan ang prinsipyo at balak sa mga susunod na konsultasyon.

Ang pangatlong hakbang ay sa patuloy na pagbuti ng kalagayan ng South China Sea sa katatagan nito lalo pa't walang puwersang makikialam mula sa labas ng rehiyon, pag-uusapan sa pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansa sa darating na Nobyembre, magaganap ang pagpapahayag kung kailan magsisimula ang konsultasyon sa Code of Conduct.

Idinagdag ni G. Wang na ang Tsina at ASEAN ay may kakayahang magtulungan at magpanatili ng kapayapaan sa rehiyon. Higit umanong gaganda ang relasyon ng Tsina at ASEAN bukod sa kaunlarang magaganap ay magkakaroon ng comprehensive strategic partnership.

Sa tanong kung anong masasabi sa mga pahayag ng Vietnam, sinabi ni G. Wang na hindi ugali ng Tsina na magbigay ng reaksyon sa pahayag ng iba't ibang bansa.

Ipinaliwanag pa niyang sa kanyang pakikipagpulong sa sampung foreign ministers ng ASEAN, nadama niya ang kanilang positibong pananaw hinggil sa South China Sea. Malayo umano ang nagaganap ngayon kaysa noong naganap sa Vientiane sa Laos noong nakalipas na taon.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
melo
v Seguridad sa ASEAN 2017 sa Maynila tiniyak 2017-08-02 16:56:40
v Masamang panahon, magpapatuloy pa 2017-07-28 20:10:08
v Maulang panahon, magpapatuloy 2017-07-27 15:39:10
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>