Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

ASEAN, matagumpay sa nakalipas na 50 taon

(GMT+08:00) 2017-08-08 19:00:37       CRI

NAGING matagumpay ang Association of Southeast Asian Nations mula ng itatag ito noong 1967 sa pamamagitan ng Bangkok Declaration. Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng pagkakatatag ng ASEAN sa Philippine International Convention Center kanina.

Nabuo ang ASEAN sa kalagitnaan ng kawalang katiyakan matapos mahati ang Asia sa dalawang panig dahil sa Cold War. Ani Pangulong Duterte, sa pamamagitan ng limang magagaling na dalubhasa sa diplomasya, naitatag ang ASEAN.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon ang mga kalihim ng ugnayang panglabas na iba't ibang bansa, mga pinuno ng mga delegasyon at mga kabilang sa dialogue partners tulad ng Tsina, America, Russia, Japan, Bangladesh, India, Australia, Democratic People's Republic of Korea, South Korea at maging ang European Union.

Ang sandigan ng ASEAN ay ang 'di pakikialam sa mga nagaganap sa kani-kanilang mga kalapit-bansa, pagbuo ng nagkakaisang paninindigan na naging mabisang daan upang makamtan ang kapayapaan, kaunlaran at magandang kapaligiran.

Nagsimula ang ASEAN sa mga bansang Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Thailand at Singapore at 'di nagtagal ay lumahok na rin ang Brunei Darrusalam, Vietnam, Laos, Cambodia at Myanmar.

Umaasa rin si Pangulong Duterte na higit na magtatagumpay ang ASEAN sa tulong na rin ng pribadong sektor, ng kalakal, ng mga kabataan at mga dalubhasa sa iba't ibang larangan.

Kailangan din ang Public-Private Partnerships, dagdag pa ni G. Duterte. Ipinaliwanag niyang layunin ng mga mamamayan sa ASEAN na magkaroon ng panatag na pamumuhay na walang anumang panganib sa mga krimeng nagaganap sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Nais ng mga mamamayang magkaroon ng paggalang ng mga bansa sa isa't isa at kung saan naghahari ang batas.

Kailangan din ang pagkakaroon ng matatag at malawakang kaunlaran na walang maiiwang mahirap.

Itinatag ang ASEAN nina Foreign Minister Adam Malik ng Indonesia, Abrul Razak Husein ng Malaysia, S. Rajaratnam ng Singapore, Thanat Khoman ng Thailand at Secretary Narciso Ramos ng Pilipinas.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>