Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Manggagawang nagbabalak magtungo sa Iraq, pina-alalahanan

(GMT+08:00) 2017-08-10 17:57:55       CRI

MAS makabubuting tiyakin ng mga Filipinong nagbabalak mangibang-bansang dumaan sa mga lehitimong recruitment agencies at tiyakin ang bansang patutunguhan upang huwang manganib na makarating sa magugulong bansa tulad ng Iraq.

Ito ang sinabi ni Philippine Chargé d'affaires sa Iraq na si Elmer G. Cato sa kanyang pagsasalita sa mga mamamahayag na dumadalo sa pagsasanay sa fair recruitment at labour migration na idinaos sa Xenia Hotel sa Clark Freeport sa Angeles, Pampanga. Itinaguyod ng International Labour Organization at National Union of Journalists of the Philippines ang pagtitipon.

Mas makabubuting hintayin na muna ng mga manggagawang higit na gumanda ang kalagayan ng Iraq bago magbalak na maglakbay upang magtrabaho. Kahit pa napigil na ang pananakop ng mga ISIS sa Mosul, lumalabas sa balitang unti-unting bumabalik ang mga ISIS sa pamamagitan ng paisa-isang pagpasok sa mga lungsod at bayan.

Binanggit din ni G. Cato na mayroong mga Filipino na nakukumbinseng magtungo sa Iraq dahil mas malaki ang sahod subalit higit na mapanganib.

Nabatid mula sa pamahalaan na umaabot sa 5,878 na Filipino ang umaalis araw-araw mula sa mga paliparan ng bansa.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, nakalabas ang may 2,112,331 mga Filipinong manggagawa noong nakalipas na taon at umabot sa 1,058,514 ang naglakbay patungo sa Middle East.

Mayroong US$ 26.9 bilyon ang naipadalang salapi ng mga manggagawang Filipino mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig.


1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>