Idinaos ngayong araw, Lunes, ika-28 ng Agosto 2017, sa Sanyili Primary School sa Beijing ang isang tradisyonal na seremonya, bilang pagtanggap sa mga bagong estudyante sa Grade 1. Sa literal na kahulugan, ito ay tinatawag na "seremonya ng unang paggamit ng pluma."
Sa seremonyang ito, nagsuot ang mga bata ng tradisyonal na damit na pang-estudyante ng Tsina. Inilagay ng guro ang isang pulang tuldok sa kani-kanilang noo, simbolo ng pagbubukas ng isipan para sa kaalaman. Bilang pagdiriwang sa pagsisimula ng kanilang buhay-estudyante, gumamit ang mga bata ng writing brush, tradisyonal na pluma ng Tsina, para sumulat ng karakter ng salitang "tao," at hinampas din ng mga batang lalaki ang tambol.
Editor: Liu Kai