Department of Foreign Affairs inaalam ang lagay ng mga magdaragat
BINABANTAYAN ng Department of Foreign Affairs ang kalagayan ng mga magdaragat na Filipino na sakay ng isang oil tanker na sinamsam ng Libyan Navy dahil sa pagpupuslit ng petrolyo.
Ayon sa isang pahayag, inatasan na ng Department of Foreign Affairs ang embahada sa Libya na alamin ang kalagayan ng mga magdaragat at bigyan ng kaukulang tulong kung kakailanganin. Wala pang sagot ang Embahada ng Pilipinas sa Libya.
Naunang lumabas sa balita na dinakip ang 20 mga magdaragat na sakay ng oil tanker malapit sa hangganan ng bansa sa Tunisia. Ang barkong pag-aari ng isang kumpanyang Griyego ay mayroong anim na milyong litro ng puslit na petrolyo. Dinala ang mga magdaragat sa Tripoli at haharap sa tagausig.
1 2 3 4 5 6