Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Love Without Words

(GMT+08:00) 2017-09-11 17:22:51       CRI

 

Ang kuwentong ito ay naganap sa isang maliit na nayon sa dakong hilaga ng Tsina.

Ang Yu Family ay binubuo ng 4 na tao: Sina XiaoYu at asawa niya at ang isang anak na babae nila, at sina LaoYu, ang elder brother ni XiaoYu.

Di-tulad ng normal na tao, si Lao Yu ay isang person with a disability. Ngayon 50 taong gulang na si LaoYu. Noong 18 taong gulang, nagkasakit siya at dahil dito, nagkaroon siya ng "high paraplegia", ibig sabihin, paralisado siya.

Kapuwang sina XiaoYu at ang asawa niya ay magsasaka. Maliit ang kita ng pamiliyang ito, pero dapat suportahan ang isang anak, at isang disabled na tao na si Lao Yu na incapable of work.

Pero kumpara sa kahirapan sa pera, mas malala ang kalagayan ng emosyon ni Lao Yu. Sa puso niya, ipinalalagay niya na ang sarili ay pabigat ng pamiliyang ito. Pero, ayaw niyang yumukod sa sakit at tanggapin ang ganitong kapalaran o fate. Bilang isang tao, gustong niyang patuloy na mabuhay ng mabuti at produktibo. Sa kondisyong ito, ang temper ni LaoYu ay naging masama. Most of the time, hindi siya nagsasalita, o kaya he easily gets angry sa kanyang brother.

One day, umuwi si Xiaoyu sa bahay, kasama niya ang isang puppy. Sinabi ni Xiao Yu na tumakas ang tuta na ito mula sa isang restawran na nagbebenta ng dog meat, at nagtago sa traktor ni XiaoYu.

Sinabi ni Xiaoyu sa kanyang kapatid na: "Siya ay isang brave puppy. At dahil di ka nakakalabas, hayaan mong samahan ka ng tutang ito."

Walang interes at nagkibit balikat lang itong si LaoYu. Di man lang niya tiningnan ang tuta.

Pero, ang naturang tuta at nanatili sa kwarto ni LaoYu. Pinangalanan na rin siya "Er Huo".

Sa puso ni LaoYu, mayroong matinding galit at muhi sa kanyang sarili, sa fate, pero si Er Huo ay kabaligtaran. Kahit muntik nang katayin at gawing pulutan, ang aso ay kinakitaan ng pure na goodwill sa mga tao sa paligid niya. Day and night ay nanatili siya sa kay LaoYu, loyal na sinimulan ang kanyang job bilang isang companion.

Datapuwa't ill tempered si LaoYu kay Er Huo, si Er Huo ay nagsikap para ipakita ang kanyang friendship kay LaoYu. Once, nagsusulat si LaoYu sa bed at ang pencil niya ay nahulog. Dahil hindi imbalido, hindi kaya ni Lao Yu na pulutin ang lapis. Kaya si ErHuo ang tumakbo at pinulot ang lapis at iniabot gamit ang ngipin kay LaoYu. Isa pang tagpo, dahil sa malakas na hangin, natumba ang kandila at nasunog nito ang papel tumahol nang tumahol si Er Huo hanggang magising si Lao Yu at inapula ang apoy.

Pagkaraan ng naturang dalawang insidente, unti-unting naging bumuti ang pakikitungo ni LaoYu kay ErHuo. Tapos, madalas na sabay na kumakain sina LaoYu at ErHuo, at para kay LaoYu, ang daytime ay hindi boring kasi kasama niya ang maaasahang si ErHuo, na laging nakikinig at minsan kumakahol bilang sagot.

Dahil kay ErHuo, unti-unting lumambot ang puso ni Lao Yu, at muling sinimulan niya ang pakikipag-ugnayan sa outside world. Ang damdamin niya ay naging mas mabuti, at naging marami ang ngiti. Ang temper niya ay naging softer and gentler.

Kasabay ng pabuti at pagtatag ng kalooban, naging positibo rin sa buhay si LaoYu. Datapuwa't may disability, hindi niya gustong maging isang useless person.

Mayroong isang skill LaoYu ng: appliance repair. Bago magkasakit, nag-aral siya ng skill na ito. Pagkaraang mag-usap, ipinasiya ng Yu Family na magbukas si LaoYu ng isang Household appliance repair stall sa market ng nayon.

Sa tulong ng XiaoYu, nagkaroon si LaoYu ng isang espesyal na vehicle: ito ay isang kama na mayroong 4 na wheels, sa ulunan ng kama, mayroong dalawang handle na tulad ng handles ng bike, kaya sa pamamagitan ng dalawang kamay, maaaring galawin ni Laoyu ang sasakyan.

Bilang pinakamabuting kaibigan at loyal na companion, si ErHuo ay kasama sa market ni LaoYu.

Sa ganitong paraan, matapos ang mahigit 30 taon nang may kapansanang pamumuhay sa kauna-unahang pagkakataon, lumabas si LaoYu ng kanyang maliit at madilim na kwarto, at buong tapang na humakbang tungo sa mundong ginagalawan ng normal na mga tao.

Bawat araw, maagang nagigising sina LaoYu at ErHuo. Kasi malayo ang distansya sa pagitan ng bahay ni Yu at market sa nayon.

Sa market, hindi lamang companion si ErHuo. Sa harap ng bad dogs o salbaheng mga bata, si ErHuo ay naging protector ni LaoYu.

An old man with a disability at isang aso, ang tagpong ito ay makakuha ng atensyon ng mga tao sa market. Mabilis, mayroong agad buena manong customer si LaoYu na nagpa ayos ng isang maliit na TV. He did the job well, and earned 14 yuan RMB o halos 100 piso. Napakasaya ni LaoYu kasi sa wakas hindi na siya pasanin ng pamiliya, ng lipunan, siya ay isang may pakinabang na tao, katulad ng bawat malusog at normal na tao.

Pagsapit ng tanghalian, bumili si LaoYu ang dalawang piraso ng murang pie. Isa para sa kanyang sarili, at isa pang para kay ErHuo.

At pagdating ng takip-silim, sina LaoYu at ErHuo, isang matandang lalaki at isang aso ay, magkasamang umuwi habang papalubog ang araw.

Spring to autumn, year after year,ganito ang buhay nina LaoYua at ErHuo. At si ErHuo ay naging napaka-halagang partner ni LaoYu. Halimbawa, kapag nagkaka aberya sa daan si ErHuo ang naghahanap ng tulong. At minsan, matapos ang ulan, bumaliktad ang sasakyan dahil sa madulas at maputik na daan, kinalas ni Er Huo ang tali at bumalik sa bahay upang hanapin si XiaoYu para iligtas si LaoYu.

12 taon ang nakaraan, tumanda na sina LaoYu at ErHuo. 62 taong gulang na si LaoYu, at si ErHuo ay hindi na adorable puppy, pero isang 12 taong gulang na matandang aso. Ang kuwento nila ay naging tanyag sa mga mamayan ng maliit na nayon.

Pati ang interes ng isang mayamang tao. Lumapit ito kay LaoYu at inalok siyang alagaan ang aso dahil alam niyang salat sa pera ang pamilya. Inalok na rin itong bayaran siya kung ibibigay si ErHuo.

Tyempo namang talagang kailangan ng pamilya ng pera para sa pag-aaral sa kolehiyo ng anak ni Xiaoyu. Malas din dahil nasa ospital si XiaoYu dala ng aksidente at kailangang kailangan nila ang pera.

Nag-isip si LaoYu, walang siyang sapat na kakayahan para patuloy na alagaan ang kanyang loyal at old friend na ito. Kaya, nagpasya siya at ibinigay niya si ErHuo sa rich man, pero he refused the money. Ang intensyon niya ay pure gusto niyang si ErHuo ay maalagaang mabuti dahil 12 taon din itong walang pagod na nagsilbi sa kanya.

At nagkahiwalay sa unang pagkakataon sina LaoYu at ErHuo.

Then what happened to ErHuo after being taken away by the rich man?

Ipinagkaloob ng rich man ang malaki at magandang kennel para sa kanya, at fresh water at masarap na pagkain. Sa big house ng rich man, mayroong maraming iba pang aso, na maaaring nakipaglaro kay ErHuo. Pero, tumakas si ErHuo at gustong bumalik kay Lao Yu.

Pagkaraan ng mahabang paglalakbay, makikipag laban sa wild dogs, pagsuong sa masamang panahon, sa bandang huli, natunton din at naka-uwi si ErHuo sa lumang bahay ni Yu.

Napa-iyak si LaoYu sa itsura ng aso payat, madumi at hapong hapo, niyakap ang loyal dog, walang sali-salita. Pagkaraan ng last meeting kay LaoYu, pumanaw ang aso.

Inilibing ni Lao Yu si Er Huo sa tabi ng bahay. Para kay LaoYu, si ErHuo ay hindi isang aso lang, siya ay kanyang kaibigan, katuwang at sometimes, protector. Ito si ErHuo, isang aso, na nagbigay liwanag sa kanyang madilim na buhay. Ito ang kuwento sa pagitan ng isang taong nawalang ng pag-asa dala ng kapansanan at isang asong ipinakita ang pag-asa sa natamong bagong buhay.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>