|
||||||||
|
||
Pulisya, nanawagan sa ibang kasapi ng Aegis Juris na sumuko na
NANAWAGAN si Manila Police Director Joel Coronel sa iba pang kasapi ng Aegis Juris fraternity na sumuko na kasunod ng paglutang ni John Paul Solano.
Mas makabututing sumuko na ang iba pang may kinalaman sa pagkasawi ng biktima upang makapagbigay ng kanilang panig sa naganap na krimen, dagdag pa ni Chief Supt. Coronel.
Nagbigay na umano ng pormal na pahayag si Solano sa pulisya kaya't madali nang malutas ang usapin. Inamin ni Solano na kasapi siya ng fraternity subalit hindi siya kalahok sa nagpasakit at nakapatay sa biktimang si Horacio Tomas "Atio" Castillo III.
Natagpuan umano ni Solano na naghihingalo at walang malay si Castillo bago niya nadala ang biktima sa pagamutan. Nagbigay umano siya ng medical assistance at nagkagulo ang samahan. Wala umano siya noon sa pook. Isang medical technologist si Solano. Dati umano siyang law student sa UST at nakabakasyon mula noong 2016.
Nais umano niyang linisin ang kanyang pangalan kaya siya sumuko. Magugunitang inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang Bureau of Immigration na bantayan ang kinaroronan ng mga kasapi ng fraternity.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |