Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pngulong Duterte nag-utos ng tigil-putukan sa mga NPA; nanawagang suklian ang ginawa ng pamahalaan

(GMT+08:00) 2017-12-21 17:05:42       CRI

Pagpasok ng China Telecom makatutulong sa bansa

PAGPASOK NG CHINA TELECOM, MAKATUTULONG. Sinabi ni Deputy Governor Diwa Guinigundo ng Bangko Sentral ng Pilipinas na malaki ang maitutulong ng pagpasok ng China Telecom sa bansa. Higit na makatatawag ito ng pansin ng mga mangangalakal na maglagak ng kapital sa bansa. Nabanggit din niyang aabot sa US$ 28 bilyon ang foreign remittances na makararating sa Pilipinas ngayong 2017. (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si Deputy Governor Diwa Guinigundo ng Bangko Sentral ng Pilipinas na makatutulong ang pagpasok ng China Telecom sa Pilipinas upang makasabayan ng dalawang malalaking kumpanya sa larangan ng telecommunications.

Sa isang panayam, sinabi ni G. Guinigundo na nakatitiyak siyang malaki ang maitutulong nito sa pagpapahusay ng infrastructure sa telecommunications upang makatawag pansin ng mga mangangalakal mula sa iba't ibang bansa.

Idinagdag din ni G. Guinigundo na naniniwala siyang aabot sa US$ 28 bilyon ang foreign remittances ng mga Filipino sa iba't ibang bahagi ng daigdig ngayong 2018.

Tinataya niyang lalago ng may 4% ang remittances ngayong 2017 kung ihahambing sa 2016. Kahit pa may sigalot at kawalan ng katiyakan sa nagaganap sa Gitnang Silangan, naniniwala si G. Guinigundo na makatatagpo ng paraan ang mga Filipino na makapagpadala ng salapi pauwi sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>