Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas mababang bilang ng mga nasugatan sa paputok, ikinalugod ni Secretary Duque

(GMT+08:00) 2018-01-01 17:32:33       CRI

Mas mababang bilang ng mga nasugatan sa paputok, ikinalugod ni Secretary Duque

SECRETARY DUQUE: BUMABA ANG BILANG NG MGA NAPUTUKAN. Bumama ng may 68% ang bilang ng mga nasugatan dala ng mga paputok mula ika-21 ng Disyembre hanggang kanina. Sa isang press briefing, sinabi ni Secretary Duque na malaking tulong ang kautusang nilagdaan ni Pangulong Duterte na nagsasaad ng limitadong paggamit at pook para sa mga paputok. (Melo M. Acuna)

 

 

MGA BIKTIMA NG PAPUTOK, ISINUGOD SA MGA PAGAMUTAN. Makikita sa mga larawan ang dalawang kabataang isinugod sa East Avenue Medical Center matapos maputukan ng mga karaniwang ginagamit sa pagsalubong sa Bagong Taon. Walang babayaran ang mga biktimang ginamot sa mga ospital ng pamahalaan, dagdag pa ni Secretary Duque. (Mga larawan ni Jhun Dantes)

MASAYANG ibinalita ni Health Secretary Francisco T. Duque na mas mababa ang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok bilang paghahanda at pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa isang press briefing sa East Avenue Medical Center, sinabi ni Secretary Duque na umabot sa 191 katao ang nadala sa mga pagamutan mula noong ika-21 ng Disyembre hanggang kaninang umaga at hamak na mas mababa ito ng 68% sa bilang ng mga naitala noong nakalipas na taon.

Mas mababa ito ng 77% sa taunang average na naitala mula noong 2012 hanggang 2016. Bagaman, ang pinakamatandang nasugatan ay isang 96 na taong gulang na nakainom na nagsindi ng paputok. Nagtamo ang biktima ng "second degree burns." Tumanggi naman si Secretary Duque na kilalanin ang biktima. Samantala, ang pangalawang pinakamatandang nasugatan ay isang lalaking 93 taong gulang. "Passive victim" umano ang matanda na nangangahulugan na hindi siya nagpaputok ng kwitis o anumang karaniwang ginagamit sa pagdiriwang.

Ang pinakabatang biktima ng paputok ay isang 11-buwang sanggol na nadaplisan ng paputok sa kanilang tahanan. Walang ibang detalyes na inilabas ang Department of Health.

Walang naibalitang nasawi sa paputok, wala ring nakalulon ng paputok tulad noong mga nakalipas na panahon at wala pang naibabalitang tinamaan ng ligaw na bala.

Ayon kay Police Supt. Johnny Capalos ng PNP Directorate for Operations, iisa ang naitalang tinamaan ng ligaw na bala sa Caloocan City at kasalukuyang sinisiyasat pa nila ang insidente.

Ipinaliwanag ni Secretary Duque na isang dahilan ng pagbaba ang nilagdaang executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Executive Order No. 28 na nagsasaad kung saan at kung kailan magagamit ang mga paputok.

Malaki rin ang posibilidad na magkaroon ng regulasyon o alituntunin ang paggawa ng mga paputok sapagkat layunin ni Pangulong Duterte na mawala na ang ugaling ito sa mga susunod na panahon. Bagaman, niliwanag din ni Secretary Duque na maghahanap ng alternatibong pagkakakitaan para sa mga mamamayang nabubuhay sa paggawa ng paputok.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>