|
||||||||
|
||
Anim na sunog, naganap sa Metro Manila, isa ang nasawi
MAY anim na magkakahiwalay na sunog ang naganap sa Metro Manila mula kagabi hanggang kaninang madaling araw na ikinasawi ng isang biktimang 58 taong gulang.
May naganap na sunog sa Katarungan Street sa Pasig City na ikinasawi ng isang biktima.
Kagabi ay nagkaroon din ng sunog sa Barangay 74 ng Caloocan City. Nasugpo ang pagkalat ng apoy bago naghatinggabi. May gusali ring nasunog sa Binondo District sa Maynila bago naghatinggabi.
Isang sunog sa kabahayan ang naganap sa Novaliches, Quezon City samantalang isang sunog pa rin ang naganap sa Sta. Rosa St., Tondo, Manila at nasugpo bago nagmadaling-araw kanina.
Isa ring sunog ang naganap sa isang bodega sa Coronado St., Makati City kaninang madaling araw.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |