Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malaking salapi ang nakalaan para sa mga pagawaing bayan

(GMT+08:00) 2018-01-10 18:19:02       CRI

May safety measures sa pagpapatupad ng bagong buwis

SINABI ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na mayroong mga programa ang pamahalaan upang maibsan ang agam-agam ng madla sa bagong sistema ng pagbubuwis.

Sa kanyang almusal na dinaluhan ng mga mamamahayag, sinabi ng kalihim na ipinatupad ng pamahalaan ang pinakamalaking kabawasan sa personal income taxation sa kasaysayan ng bansa. May 99% ng mga income tax filers ang makikinabang sa kabawasan samantalang ang mga kumikita ng mula walong milyon o mas mataas pa ang magpapasan ng mas malaking buwis na 35%.

Ang mawawala sa kaban ng bayan sa personal income tax ay aabot sa P 146.6 bilyon ngayong 2018 at P 894.2 bilyon mula ngayong 2018 hanggang 2022 at mababawi sa mas malawak na Value Added Tax at bagong indirect taxes.

Inilaan ng pamahalaan ang P 24.5 bilyon sa unconditional cash grants na P 200 bawat buwan sa pinakamahirap na 50% ng mga pamilya na tinatayang aabot sa 10 milyon na kikilalanin ng Department of Social Welfare and Development.

Sa taong 2019 at 2020, ang monthly cash grant ay daragdagan mula P 200 hanggang P 300. Makapaglalaan ng P 24 bilyon at 7% administrative cost sa buong halagang P 25.7 bilyon.

Sa taong 2019 at 2020, makapaglalaan ng P 38.5 bilyon mula sa pambansang budget.

May inilaan ding P 2.3 bilyon bilang pautang sa mga PUV drivers na magpapalit ng kanilang lumang mga sasakyan sa pagkakaroon ng higit na ligtas at mas mapakikinabangang sasakyan.

May nakalaan ding P 2 bilyon para sa pagpapatupad ng National ID System na makatitiyak na ang public resources ay makararating sa mga nararapat tumanggap.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>