Senador na lalahok sa Constituent Assembly ay patatalsikin
WALANG babalikang tanggapan ang sinumang senador na lalahok sa constituent assembly na ipatatawag na Mababang Kapulungan. Ito ang babala ni Senador Panfilo Lacson. Hindi pa man nakararating sa Batasang Pambansa ay mapapatalsik na ang senador na lalahok sa patawag ng Kongreso.
Ani Senador Lacson, bahala na ang mga babaliktad sa kani-kanilang buhay at kwentado na niya ang oras na magugugol sa paglalakbay kaya't bago pa man makarating sa Kongreso ay napatalsik na sa Senado.
Naniniwala si Senador Lacson na maninindigan ang mga Senador na nararapat hiwalay ang pagboto ng mga senador sa mga kongresista hinggil sa pagbabago ng Saligang Batas. Si Senador Franklin Drilon mismo ang naglabas na balita sa panukala ni Senador Lacson sa isang pagtitipon kagabi.
Nabatid ni Senador Drilon na mayroong isa o dalawang senador na lalahok sa con-ass ng House of Representatives kaya't makikilala na itong joint session.
1 2 3 4 5