Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Encounter

(GMT+08:00) 2018-02-01 17:21:07       CRI

 

Si Jane ay mayroong unfortunate na buhay.

Noong bata pa siya, namatay ang tatay niya. Tapos, namumuhay si Jane kamasa ng kanyang nanay at kanyang elder sister. Nang 25 taong gulang siya, nagka sakit ang kanyang nanay: Alzheimer's disease, at hindi niya kayang alagaan ang kanyang sarili.

Dahil sa sakit ng nanay, naging mahirap na mahirap ang buhay ng pamiliya na ito. Dahil sa kahirapan, ang elder sister ni Jane ay umalis ang pamiliyang ito para magtrabaho, at iniwan niya ang dalawang bata: isang batang babae, at isang batang lalaki.

Kaya, bilang nagiisang adult ng pamiliyang ito, isinabalikat ni Jane ang responsibilidad ng pagaalaga ng isang matandamg may Alzeimers, at dalawang bata.

15 taon na ang lumipas, namatay rin ang nanay ni Jane, at lumaki ng dalawang bata.

Ang trabaho ni Jane ay nobelista sa internet. Sa edad na 25 taong gulang na si Jane ay kilala dahil sa kanyang kauna-unahang nobela na pinamagatang"Stars falling on your heart". Nitong 15 taong nakalipas, depende sa kita ng pagsusulat ng love novels sa internet, sinusuportahan ni Jane ang may sakit na nanay at dalawang pamangkin

Pero, ngayon, 40 taong gulang na si Jane at humaharap sa isang grabeng problema: hindi niya maaaring ipagpatuloy ang kanyang pagsusulat, nawala ang kanyang inspirasyon sa pagsusulat.

Narealize ni Jane na, dahil sa malalaking burden ng pamiliya, hanggang ngayon, wala siyang romantikong relasyon sa buhay.

Pero, mayroong siyang boyfriend, sa internet.

Bukod sa pagsusulat, mayroong isa pang interest si Jane : mga online games. Sa online game, hindi siya exhausted na 40 taong gulang na babae, pero isang lively at adorable na teenager girl. Sa game, nakilala ni Jane ang kanyang partner at "boyfriend" na si Jian.

Nagustuhan ni Jane kay Jian. Pero, si Jian ay isang 20 taong gulang na lalaki, at sa totong buhay, imposible ang relasyon nila. Kaya, kapag naiisip ni Jian ang posibilidad na magkikita sila sa totoong buhay,hindi nito kayang makita nang harapan si Jian.

Tinanggihan ni Jane ang hiling ni Jian. Pero, hindi gustong bitawan ni Jian ang kanyang adorable na "little" girlfriend sa internet. He kept making telepone calls kay Jane.

Ang never ending telephone calls ay napansin ng dalawang bata, at sa bandang huli,hindi tinutulan ng dalawang bata ang bagay na ito. Sinuportahan nila ang kanilang Auntie na matapang na nagtangkang magmahal.

Ang suporta ng kapamilya ay nagdulot ng tapang kay Jane. Sa bandang huli, ipinasiya niyang makipagkita kay Jian at sabihin ang buong katotohanan.

Ngunit, hindi maganda ang pagtatagpo na ito. Nang malamang, sa halip na cute na teenage girl ay isang middle aged babae ang online girlfriend nagalit si Jian.

Pero, hindi umalis si Jian. Kabaliktaran ng inaasahan, ipinasiya niyang isagawa ang paghihiganti kay Jane.

Ang paghihiganti ni Jian ay childish——puro kabwisitan ang dala niya sa buhay ni Jane. Nag-aya sa disco, night club, o sa mga pagtitipon na maraming kabataan para ipahiya ito.

Pero, to his surprise, sa harap ng kanyang "paghihiganti", hindi nagalit si Jane. Sa halip ang mature na pag-iisip ni Jane ay naging popular sa mga kabataan, ang kanyang humor, at ang paminsan minsang pagpapakita ng kanyang pure heart, ay nagbago sa impression ni Jian sa "middle aged women". Unti-unting, natuklasan ni Jian na kumpara sa mga mas nakababatang babae, si Jane ay mas charming. At natuklasan niya na totoong mahal niya si Jane.

Sa puntong ito , ang kuwentong ay mayroong pagasa na magtapos sa isang happy ending: halimbawa opisyal na naging mag-on sina Jane at Jian, kahit na 20 taon ang age gap sa pagitan nila.

Pero, things rarely go as you wish: hindi sang-ayon sa kanyang relationship ang magulang ni Jian.Naging crazy ang magulang ni Jian pagkatapos na malaman na ang girlfriend ng kanilang only son ay isang 40 taong gulang na babae.

Dahil siya ang tumayong magulang sa 2 pamangkin, naiintindihan ni Jane ang magulang ni Jian Pagkaraan ng mabuting pagisipan ang sitwasayon, ipinsiya ni Jane na itigil na ang relasyon kay Jian.

Ang nephew ni Jane ay 18 taong gulang na. Hiniling ni Jane sa kanya na alagaan ang kanyang little sister, tapos, tahimik na umalis si Jane.

Sa bandang huli kahit hindi nakatuluyan si Jian, ramdam ni Jane ang kasiyahan. Ang special love encounter na ito ay nagiwan ng maraming precious na bagay sa kanya, masayang alaala, mas mataas na self-confidence, muling nakilala ang kanyang sarili, at naging mas malalim ang kanyang pagkaalam sa pagmamahal.

Patuloy na isinusulat ni Jane ang kuwento ng pag-ibig. Ang kanyang kuwento ay mayroong bagong inspiration,at naging popular sa internet.

Ilang taon ang lumipas. Sikat na sikat si Jane, siya ngayon ay isang best selling writer. Kasabay nito, naturally, naging mas mayaman. Kaya, ipinasiya niyang pumunta sa Africa——ilang taong nakaraan, sinimulan niya charitable work para sa mga mahihirap na bata sa Africa.

Nang makatapak sa Africa, isang lokal na mamamayan ang nagsabi sa kanya na : "Someone has been waiting years for you here."

Oo, walang iba, kundi si Jian.

Nalaman ni Jian na sa mula't mula pa'y, si Jane ang benefactor ng mga charitable work sa Africa. Kaya pagkatapos ng paggraduate ng unibersidad, pumunta si Jian sa Africa at inalagaan mga bata na tumatanggap ng tulong ni Jane, at naghintay sa bansang ito hangga't dumating ang pinakamamahal niya.

At ang "Special Encounter" nila Jane at Jian ay finally nauwi sa kasalan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>