Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Overall Deputy Ombudsman Carandang, hinamong dumulog sa Korte Suprema

(GMT+08:00) 2018-02-02 17:24:28       CRI

Overall Deputy Ombudsman Carandang, hinamong dumulog sa Korte Suprema

HINAMON ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque si Deputy Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang na dumulog sa hukuman kung naniniwala siyang walang poder si Pangulong Duterte na suspendihin siya.

Sa isang press briefing sa Baguio City, sinabi ni Secretary Roque na ipatutupad ni Pangulong Duterte ang itinatadhana ng batas na magpatupad ng kaukulang disciplinary measures laban sa opisyal ng Ombudsman sanhi umano ng paglalahad ng mga deposito sa bangko ng mga Duterte.

Bahala na umano si G. Carandang na magtanong sa Korte Suprema kung mali ang pangulo sa kanyang ginawang pagdidisiplina.

Dating mambabatas, humiling na ituloy ang impeachment laban kay Ombudsman Morales

KAILANGAN umanong ituloy ang impeachment complaint laban kay Ombdusman Conchita Carpio Morales. Ito ang hiniling ni dating Congressman Jacinto Paras matapos tumangging ipatupad ang kautusan ng pangulo laban kay Deputy Ombudsman Carandang.

Ayon kay dating Congressman Paras, nananawagan siya kay Speaker Pantaleon Alvarez na ii-endorso na ang impeachment complaint laban sa Ombdusman sa pinakamadaling panahon.

Nararapat lamang mapanagot si Ombdusman Morales sa hayagang pagtangging ipatupad ang lehitimong kautusan ng opisyal ng pamahalaan.

Magugunitang sinabi ni Ombudsman Morales na hindi niya susundin ang kautusan ng tanggapan ng pangulo ng bansa sapagkat ito'y labag sa Saligang Batas.

Ayon kay G. Paras, sila ang nag-fileng reklamo na dumaan sa due process. Inireklamo nila si G. Carandang noong ika-13 ng Oktubre 2017 sa paglabag sa mga itinatadhanang batas.

Pribadong kumpanya, nagdala ng relief goods sa Albay

PHAPCares, namahagi ng relief goods. Nagpadala ang PHAPCares ng relief goods na nagkakahalga ng P 200,000 sa mga naninirahan sa Bagumbayan Elementary School sa Legazpi City. Mula sila sa Buyuan, Legazpi City na saklaw ng six-kilometre permanent danger zone. Makikita sa larawan si Fr. Rex Paul Arjona, Social Action Director ng Legazpi kasama ang si Jason del Castillo ng PHAPCares. (Melo M. Acuna)

Ang Bulkang Mayon. Napakagandang tanawin subalit may kasama ng panganib. Ito ang karanirang paglalarawan ng evacuees na laminas mula sa paanan ng bulkan sa gitna ng Albay province. Makailang unit na tong pumutok sa nakalipas na 50 taon. (Melo M. Acuna)

NAKARATING ang padalang relief goods ng PHAPCares, isang tanggapan sa ilalim ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines sa may 1,118 pamilya sa Bagumbayan Elementary School sa pakikipagtulungan sa Social Action Center ng Diocese of Legazpi.

Namahagi ng relief goods na nagkakahalaga ng higit sa P 200,000 ang PHAPCares at Social Action Center sa mga naninirahan sa Mabinit, Legazpi City, isang barangay na nasa six-kilometer permanent danger zone.

Kasama sa mga ipinamahagi ang bigas, sardinas, noodles at mineral water,

Ayon kay Dennis Tuazon ng PHAPCares, simula pa lamang ito sapagkat babalik sila upang dumalo sa medical requirements ng mga evacuee. Nakipag-usap na rin si G. Tuazon kay Dr. Antonio Ludovice, provincial health officer ng Albay upang mabatid kung saan higit na kailangan ang mga manggagamot at kanilang kasamang mga dentista.

Korte Suprema, kinatigan ang pagpapatalsik sa mga opisyal ng PNP

KINATIGAN ng Korte Suprema ang desisyon ng Ombudsman na nagpatalsik sa matataas na opisyal ng Philippine National Police na sinasbaing sangkot sa pagbili ng segunda-manong helicopters noong 2009.

Sinabi ng Ombdusman na nakatanggap sila ng kopya ng desisyon ng Korte Suprema noong ika-15 ng Enero na sumangayon sa kanilang desisyon noong ika-30 ng Mayo 2012 na nagpapatalsik kay Police Director Leonadio Santiago, Jr. at George Piano.

Pinatalsik din sina noo'y Senior Supt. Job Nolan Antonio, Edgar Paatan, Mansue Lukban at Claudio Gaspar, Jr. kasama sina Chief Supt. Herold Ubalde at Luis Saligumba at anim na iba pa.

Pinatalsik sila ng Ombdusman noong 2012 matapos mabatid na nagkasala sila ng serious dishonesty at pagkilos na makasasama sa paglilingkod.

Bumili umano ang PNP ng mga bagong Robinson R44 Raven II light Police Operations helicopters na nagkakahalaga ng P 42.3 milyon at dalawang standard Robinson R44 Raven 1 na nagkakahalaga ng P62.7 milyon mula sa Manila Aerospeace Products Trading Corporation. Nabatid ng Ombudsman na iisang bagong heliocpter ang dinala samantalang ang dalawang iba pa ay pag-aari umano ni dating First Gentleman Jose Miguel "Mike" Arroyo. Wala ring kakayahan ang kumpanya sa larangan ng teknikal at pananalapi na itinatadhana ng batas.

Akusado rin sa usapin si G.Arroyo subalit tumangging sangkot sa transaksyon at nagsabing wala siyang kasalanan sa pangyayari. Nabatid rin na overpriced ang mga helicopter ng P34.6 milyon.

Sa pagkakatanggap ng dismissal, ipinarating ni Director Piano ang petition for review sa Court of Appeals na nagpawalang-sala sa kanya sa kasogn administratibo. Umapela ang Ombdusman sa Korte Suprema.

Sa desisyon, sinabi ng Korte Suprema na nagkamali ang Court of Appeals sa pagpapawalang-sala kay Director Piano sa kasong serious dishonesty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service tulad ng nabatid ng Ombdusman.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>