Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Padalang salapi ng mga Pinoy umabot sa US$ 31.3 bilyon

(GMT+08:00) 2018-02-15 16:36:53       CRI

Padalang salapi ng mga Pinoy umabot sa US$ 31.3 bilyon

Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A. Espenilla, Jr., (File Photo/Melo Acuna)

SA likod ng kawalang-katiyakan sa larangan ng politika sa iba't ibang bansa, lumago pa rin ang padalang salapi ng mga manggagawang Filipino mula sa iba't ibang bansa.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A. Espenilla, Jr., umabot sa US$ 3.0 bilyon ang ipinadalang salapi ng mga manggagawa noong nakalipas na Disyembre at mas malaki ito ng may 7.9 porsiyento sa naitala noong Disyembre ng 2016.

Ang dagdag na naipadalang salapi ay nagmula sa mga manggagawang may kontrata ng higit sa isang taon na kinakitaan ng 4.1 porsiyentong dagdag tulad rin ng mga magdaragat at land-based workers na may mga kontratang walang isang taon na nagkaroon ng 5.3 porsiyentong dagdag.

Ayon kay Governor Espenilla, ang patuloy na pagpapadala ng salapi ng mga manggagwa ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa sapagkat ito'y nagpapalakas sa paggasta ng mga mamamayan.

Nabatid na ang salaping ipinadala noong nakalipas na taon ay nagkaroon ng 10.0 percent sa gross domestic product o GDP at 8.3 percent sa gross national income (GNI).

Lumaki rin ang salaping idinaan sa mga bangko sa pagtatamo ng US$ 2.7 bilyon, tumaas ng 7.1 percent kung ihahambing sa datos noong Disyembre ng 2016.

Nagmula ang pinakamalalaking halaga noong nakalipas na Disyembre sa Estados Unidos, United Arab Emirates (UAE) at Singapore.

Matatag pa rin ang padalang salapi ng mga manggagawa kahit pa may mga sigalot sa iba't ibang bansa. Ang padalang salapi mula sa Middle East ay tumaas ng 3.4 percent sa paglago ng remittances mula sa UAE, Qatar at Bahrain. Samantala, lumago rin ang padalang salapi ng mga manggagawang Filipino sa Asia ng may 7.3 percent tulad ng padala mula sa Singapore, Japan at Taiwan.

Tumaas din ang remitttances mula sa America na umabot sa 5.8 percent at ang pinakamalaking bahagi nito ay ang 5.5 percent na inilago sa padalang salapi mula sa Estados Unidos.

Kahit pa bumaba ang padalang salapi mula sa United Kingdom dahilan sa pagbaba ng halaga ng pound sterling sa US dollar, tumaas ang remittances mula sa Europa ng may 5.1 percent.

Ang 80.1 porsiyento ng padalang salapi sa bansa ay nagmula sa Estados Unidos, United Arab Emirates, Saudi Arabia, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Germany at Hong Kong.

Ipinagbawal na ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait matapos mabunyag ang mga pang-aabuso laban sa mga Filipino migrant workers. Mayroong 250 hanggang 260,000 mga manggagawa sa Kuwait at may 60 hanggang 70% ang mga domestic helper.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>